Tsapter

Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Kophayan

       Nakakabasag na katahimikan…
       Lahat kami…
    Kaming mga estudyante… ay parang mga locker na pininid sa isang buong sembreak. Walang imik. Walang ingay. Walang kalampag. Dumating na SIYA, teacher namin, unang major exam. Major exam galing sa teacher na ayaw namin. Makikita mo ang kanyang mukhang parang ulan na maitim pa sa kalangitan. Aabangan mo ang bawat kulog at kidlat na mula sa kanya ay lalabas. Inilapag ng teacher ko ang gamit niya sa ibabaw ng lamesa sa harap. Kinuha ang kanyang eraser sa kanyang kulay pink na bag at binura ang malaking “I love you sir” sa harap ng blackboard. Maaninag mo na bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Nagkatinginan na lang kami ng mga klasmeyt ko. May ibang napangiwi, ngiting nakakakiliti. May ibang seryoso, sinenyas ang kamay na nagsasabing LAGOT KAYO.
     Nanatiling parang mga pipi ang buong klase. Maririnig mo ang bawat paghinga ng bawat isa. May pigil, may bagot, may excited.
     "You have one and a half hour to answer the questions. Superimpositions, erasures nor markings are allowed in your examination. Otherwise, it is considered incorrect. Get one and pass!"
        Sabi niya habang bahagyang nakayuko ang kanyang ulo para makita kami dahil hinahabol niya ang napakakapal niyang salamin na hinihila ng lupa. Marahil ng impyerno. Ipinasa na ang papel, ang iba’y kinakabahan, ang iba’y pawisang ipinasa ang papel, iba’y mali ang pinagpasahan, nagmamadali, masyadong mabagal.
       “CHEATING is NOT ALLOWED “
Isang mariing boses ang narinig namin. Isang katagang paulit-ulit na naming narinig, mula elementary hanggang hayskul. Nakakasawa.
     "You may now begin."
    Para kaming mga robot at sabay-sabay na yumuko at isa-isang kinuha at hinayaang lawayan ng tinta ang aming mga papel. Iba-ibang posisyon, iba-ibang yuko, iba’y nakatingin sa kisame na parang may inaasahang sagot mula sa kalangitan o guguhit sa sementong naaninagan ng mga ilaw. Umiikot si Ma'am, parang ahas na handang tumuklaw basta may kumibot at gumalaw. Lahat ay parang mga batang takot na takot sa halimaw na sa gabi’y nanakot sa ilalim ng kanilang kama sa pagtulog, nakatalukbong.
       “Tok, tok, tok!!! Maam, pinapatawag ho kayo sa office ng Dean. Ako na ho muna daw ang magbabantay."
     Dinig namin sa isang pamilyar na boses mula sa bukana ng kwarto. Sabay-sabay na inangat ang ulo.
       Si sir!! Ang taong paborito ng mga estudyante. Ang taong tinutukoy sa nakasulat na I LOVE YOU sa pisara.
           Siya ang magbabantay? Siya na?
     "Aalis muna ako. Si Sir niyo ang magbabantay. I expect you to behave yourselves. Intiende?"
         Lahat ng mga nakakunot noo ay bumanat, sabay ang pagsilip ng mga munting ngipin sa bintana ng labi.
        “Nakakatuwa si sir ang magbabantay “  bulong ng isa.
        “Inspired na ako “- habol nung isa.
        Hagikgikan ang mga estudyante - parang mga paniking tuwang-tuwa na lumubog na ang araw. Umupo si sir…
         “Tuloy niyo na ang exam niyo"
        Sabi niya habang umaalis ang tinuring naming diyablo. At isang anghel para sa amin ang nagbabantay. Tahimik ang lahat. Hindi alam ang gagawin. Pero ang iba’y nakahanap ng pagkakataon. Eto na! Ang mga lalake sa likod, ang samahang puro semi-kalbo. Parang mga fishballs na nagkakagulo sa kalan kahit na nasa gitna ng kumukulong mantika.
        "Anong number 38?" isang bulong.
        "A ba or C?" sabi ng isa.
        "Anong formula?" tuloy ng isa.
        "Oo."
        "C-C-B-D-A."
     Parang nasa gitna ako ng subastahan. Ang mga kaklase ko parang mga bubuyog na nagaagawan ng nektar ng pagkakataon. Ang iba’y may pinapasa, papel, maliit at medyo lukot-lukot. Kodigo o on the spot na ginawa? ayaw ko nang alamin basta ang alam ko, isang pandaraya. Ang crush kong classmate nagtatanong sa basketball player naming classmate. Nakakaturn-off. Ngunit nagulat ako ng may sumipa sa aking upuan. Bahagya akong nagulat.
        "Number 45 tol?"
        Ha? hindi ko maintindihan. Hindi ba sila nag-aral? Bakit kailangan nilang gawin to? Parang di ko alam ang gagawin ko kung sasagutin ko ang tanong ng kamag-aral ko. Para akong silab na binuhusan ng yelo. Natutunaw. Natatakot. Para akong batang naghahanap ng pagsusumbungan dahil may nang-aaway. Napaikot ang aking ulo at parang nakita ko ang buong kwarto sa isang tinginan. Isang pikit lang. Ang mga grupong matatalino buong higpit nilang tinatakpan ang mga papel nilang parang paninda sa palengke na tinataboy ang mga langaw na nagnanais na dumapo. Ang mga langaw naman ang mga nagkokopyahan, akmang naghihintay ng mumo kahit na sa ilalim ng lamesa.
             Ano ang gagawin ko? Hindi ba nila na ang mga mata ng mga anghel na itinuring nila, si SIR ay nakamasid lang sa kanila. Nakangiting mga matang parang hindi alam sumimangot. Inaabuso ba namin siya o sadyang hinahayaan niya lang kami? Kinukonsinte o sinusulat niya na ang mga nagkokpyahan parang nung elementary kami at isusumbong sa teacher namin? Nakapagtataka. Tuloy pa rin ako sa pagsagot ko sa mga tanong…
            Alam ko ang mga sagot…
            Nag-aral ako. Alam ko mataas ang makukuha ko.
            SHHHHHH...
          Isang sutsot ni sir. Nagbabala na siya. Lumalakas na kasi ang kaninang bulungan. May mga umubo-ubo, may sumisingot. Nalalaglag na calculator at ballpen. Meron ding mga nakatagong mga salita. Bakit kultura na to na hindi mabura sa pagiging estudyante. Marahil sa pagiging tao. Bakit hindi natin maalis ang mandaya, ang manlamang, ang magkamali? Sadya ba o kailangan lang ng pagkakataon? Basta ako nag-aral… Kaya kong sagutan ang lahat ng tao.
           Number 88 na ako…
           Sigurado papasa na ako.
           89…90…91…92….93…
     Hindi ko to nabasa?! Hindi ko inaral…Nakatulog ako…Hindi ko to napaxerox…Nakalimutan ko to i-note…absent ba ako nito? Hindi to tinuro ni Ma’am!
Ang daming dahilan ang pumapasok sa aking isipian kung bakit hindi ko mabilugan ang mga letra sa sagutang papel ko. Anong gagawin ko. Namumutla ako.Mataas dapat ang makuha ko kasi nagaral ako, marunong ako, matalino ako! Napaka-grade conscious ko. Kailangang mataas ang makuha ko. Pero sayad na ang utak ko. Piga na at wala nang katas na lumalabas kahit anong pilit kong piga. Magtatanong ba ako sa katabi ko? Mangongopya? sisirain ko ba ang prinsipyo ko? ayoko! Lumakas ang tibok ng puso ko.
           "10 minutes more" sabi ni sir.
           Para akong tinaningan ng buhay. Nang biglang...
        "Letter C. Yan yung tinuro ni Ma’am." Boses na parang nagbigay liwanag sa daan kong napakadilim.
           Boses ng katabi ko. Katabi kong tinuring kong mahina. Bobo. Tama siya at yun lang ang kailangan ko para maalala lahat. Napakadali ng mga tanong. Naalala ko. Walang nag-aatubiling dumura ang aking mga pluma sa papel at napakabilis kong nasagutan ang aking papel. Pero naisip ko isa na ako sa kanila. Nangopya, nandaya.
           Ganun ba?
           Ganun nga… Tol, number 75 naman, tanong niya.
          Parang walang pag-aatubili kong sinagot.
          "C tol. C!?"
          Napangiti siya. Samantalang ako, gulat sa nangyari. Pero ang gaan ng pakiramdam. Eto nga siguro ang totoong pagiging estudyante. Napatingin ako sa teacher namin. Ngumiti lang siya. Parang napahiya ako. Namula. Pero taas-noo ko tong haharapin. Minsan man sa buhay ko naramdaman ko na eto nga talaga ang buhay-estudyante, paglalakbay bilang isang ESTUDYNTE. Hindi ko alam kung eto ba ay pakikisama, pang-aabuso, pagkakasala, pagiging mapagbigay, pagbibigay ng karunungan, paghahambog, pagpapakababa, pagiging isa sa kanila, pagiging tao.
        Ipinasa ko na ang aking papel. Tinignan kung lahat ng mga numero ay may kanya-kanyang sagot. Lahat may sagot. Oo, kasi matalino ako. Matalino rin sa ibat-ibang paraan. Matalino ngunit isa pa ring estudyante. May pusong estudyante. May gawaing estudyante. Hindi ito marahil ang una at huli. May darating pa. Kasi eto ang buhay estudyante... Parte nito ang buhay KOPYAHAN.
Opisyal na lahok para sa 2012 Saranggola Blog Awards. www.saranggolablogawards.com/



Lunes, Oktubre 8, 2012

Ako si Midan, laking Olongapo

    Ako si Midan Baluyut (Pen Name), laking Barretto, Olongapo. Taga Jasmin Street ako, doon kung saan ako nagkaisip, natututong magloko, mangloko, mang-away, makipagsuntukan, at minsan magpahabol ng walis tambo kay Ate Alice para patulugin. Sa lugar na ito umikot ang mundo ko, kung saan natutunan ko ang maraming bagay.
    Nakakalungkot na nga lang isipin dahil sa pagtakbo ng oras ay sya namang mabilis na pagpapabago nito. Lahat umaayon sa pangangailangan ng tao. Gayun pa man hindi nag-iiba ang pagtingin ko sa kinalakihang lugar ko. Parte kasi ito ng buhay ko, parte ng aking paglalakbay.
Pebrero 19, 1994 ng ipinanganak ang kyut na si ako. Sabi ng mama ko, sa papag lang daw ako ipinanganak, at ang masakit pa sa COKE daw ako ipinaglihi. Doon kami nakatira sa Jasmin St., mas kilala sa katawagang Rich Village, (Hindi kami mayaman, mula kasi ng ipinangak ako ay doon na talaga kami nakatira). Ang dahilan nito ay marami kasing mga kapit-bahay namin ang nakapangasawa ng Kano (AmeriKano), nagpapalahi. Doon kami sa may Gate na green, sa kilalang bentahan ng cube ice ni Kuya Darwin. Matatagpuan ito bandang dulo, papasok ng Columban College. Hindi namin gate yun, wala naman talaga kaming gate, nakikigate lang kami dahil sa looban nito ay marami pang pamilyang nakatira, at isa kami doon.
    Masaya sa lugar namin dahil sa mga taong nagbigay buhay sa aking pagkatao. May iba’t ibang karakter man ay makikita mong malaki ang parte nito sa pag-unlad ng aming lugar. Natatandaan ko ang kapit bahay naming si Mang Islaw, na kapag nakikita mo ay required kang makipag check, yung pagbabangga ng kaliwang hinlalaki. Pangongongolekta ng kaning-baboy ang gawain niya upang ipakain sa mga alaga niya. Isa din si Manang Ester na palagi naming hinihingian ng talbos ng kamote at ang asawa niyang si Tsong Domeng. Parehas silang mabait, Oo, kasi nakikita naman ito sa mga gawa nila. Yun nga lang ay parehas na din sila kinuha ng may kapal. Sila ang mga taong nagpatingkad sa istorya ng inyong bida, at iyon ay AKO.
    At katulad nga ng isang teleserye, ay may mga taong kontrbida. Ayoko silang pangalanan, pero bigyan natin sila ng initial ayon sa mga ugali nila. Sa Jasmin, meron kaming tinatawag na Gossip Thunders, ito yung mga matatanda na walang ibang magandang gawain kundi ang pag-usapan ang mga taong wala namang kinalaman sa buhay nila. Sila ang minsang pinagmumulan ng away at kontrebersyal na haka-haka sa aming lugar. Mantakin mong pati size nung kano sa amin, Alam! Meron ding Halakazams, yung pamilyang mahilig kaming sisihin dahil sa maingay nilang aso. Mahilig din kasi kaming magover da bakod sa kanila para akyatin ang puno ng bayabas sa bakuran nila ng palihim. Ang Tangna Family naman, ay yung masungit na pamilya na hindi nagpapakaroling tuwing pasko. Sila na siguro ang pamilyang pinakaKJ sa amin, hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi nagsusungit. Wala silang kasiyahan, walang close na kapit bahay, lalo na nang binakuran nila ang lagusan ng baha sa kanila at ang resulta, ninaha ng husto ang aming lugar. Mayroon ding kaming tinatawag na Stardoms, sila yung mga EPAL na mayayaman sa amin. Porket kasi nakapangasawa ng kano, ang iba ay sige na lang sa pagsusuot ng ginto sa katawan, kahit na hindi bagay. Medyo OA sila, lalo na't pilit mag-english at madaldal. Maiinis ka na lang sa kanilang kayabanagan. Marami pa sana e, pero hindi na lang sasabihin ang iba. Baka kasi sugurin ang bahay namin at batuhin o sunugin ang bahay namin at pagbintangan akong mangkukulam.
   At siyempre, bilang bata sa aming lugar, marami ding kaming teoryang pangkabaliwan, mga kababalaghang imbento ng aming kamangmangan.
    Tulad na lamang ng bahay binansagan naming “Bahay ni Lola.” Madalas kasi kaming makakita ng liwanag sa loob nito kahit na dalwang lingo na ditong walang nakatira. Pagmamay-ari itong ng pamilyang Fajardo, na ipinipilit kong Ninong ko para bigyan ako ng Tsokoleyt tuwing pasko. May tinatawag din kaming Wawang, kung saan isang baliw na gumagala sa aming bayan na nangunguha daw ng lamang-loob.
    Naalala ko din noong naglalaro kami sa kalsada. Maraming laro, iba-iba depende sa trip namin. Mayroong tumbang-preso, text (maliliit na baraha na may mukha ng paborito naming cartoon), taching runner (habulan tapos may base), patintero, Jolens, at langit-lupa. Biyernes ang paborito naming araw dahil sa kinabukasan nito ay walang pasok. Buong araw kami maglalaro dahil pagkatapos nito ay sama-sama kaming tatambay sa tindahan ni Manang Auring, para bumili ng paborito naming Fruit Juice, yung Guyabano flavor na lasang suka. Kahit na nanllilimahid kami sa dumi at amoy-araw dahil sa paglalaro. Unahan ito, at ang kakaibang trip pa namin noon ay magpunasan ng pawis. Minsan nga nalalasahan ko ang sariling pawis, ang ALAT!
    Iba naman ang gawain namin kapag sumasapit ang panahon ng tag-ulan. Tuwing umaga at masungit ang lagay ng panahon, ay may iisang lugar kung saan kami magkikita-kita, sa gate ni Manang Neneng, katapat lang ng gate namin na Green. Dito ay magkakasundo kaming magligo sa ulan, kahit na ang iba sa amin ay tumakas lang sa kani-kanilang nanay. Habang naliligo ay siya namang paglalaro namin sa tubig-ulan dala ng baha na nanggagaling sa bundok. Minsan, gagawa kami ng bangka at papaanudin sa maputik na daanan. Paunahan ito, at ang matalo magpapapitik ng isang daang beses. Naghahanap din kami ng mga straw upang gawing tunnel. Kung paano ito ay: Una, mag-iipon ng putik upang iharang sa pagdaloy ng tubig-baha, kasabay nito ay ipapasok ang straw sa gitnang bahagi ng putik, at ang straw ang magsisilbing daluyan ng tubig. Isa itong masayang gawain dahil sa nahahasa ang aming kaalaman sa pagreresolba ng pangunahing problema ng bansa, ang baha, kahit na sa paunti-unitng paraan. Simula bata kasi ay pangarap ko nang maging isang Inhenyero. Pagandahan kami ng gawa, at siyempre bilang isang bata ay paunahan din makasira ng pinaghirapang gawin ng kalaro. Sa gitna ng galit ng ulan, ay siya naman masayang pagtatampisaw ng mga mistulang bata sa katauhan. Bawat pangyayari, bawat kaganapan, sinusulit namin. Ang bawat araw, bawat sandali na walang iniisip na problema sa buhay. Nakatingala lang kaming nangangarap.
    Nagsimulang magbago ang lahat nang tumuntong ako ng hayskul. Isang kakaibang paglalakbay ang nagpabilis ng aking kamalayan, gayon din ng aking lugar. Sa panahong iyon na kasi nagsimulang umusbong ang mga kompyuter shop sa aming lugar. At ang mga kalaro ko na dating laman ng lansangan, ay may kani-kanila nang pinagkakaabalahan. Wala na sila lahat, sa lugar na pagkikitaan, sa lugar kung saan nagsimula kami bilang bata. Iniwan na nila ang kabataan kapalit ng mapangsiil ng teknolohiya, at hindi nga nagtagal ay tuluyan ng nawala ang lahat...
    Mula Olongapo ay naglakbay ako papuntang Maynila, para makipagsapalaran. At kakaibang mukha ng lipunan ang aking nadatnan. Hindi siya tulad sa lugar kung saan ako nagsimula. Bagong tao, bagong mundo ng buhay. Ang paniniwala sa Olongapo, ang Kamaynilaan ang sentro ng pag-unlad ng bansa dahil halos lahat ng pamunuang opisina ng gobyerno ay nandirito. Isa pa’t ito ang laman lahat ng balita araw-araw. At ang maipag-patuloy ang pag-aaral dito ay isang napakalaking karangalan
    Ngunit hindi ito sa mga ideyal na iniisip ko dahil hindi tulad sa Olongapo ay mas maraming kapuna-puna. Kapansin-pansin kasi ang kahirapan at dumi ng kapaligiran. Dahil dito nagbago ng tuluyan ang tingin ko sa Maynila. Naisip ko tuloy, mas maganda pa rin pala sa Olongapo. Doon, makikita mong malinis, organisado, mababait ang tao, at higit sa lahat nagtutulungan. Kabaligtaran dito, masikip, gahaman, mandaraya, at mapaniil ang mga tao. Nagkataon pa nga na muntik na akong masaksak, mapatay…
    Minsan gusto ko nang umuwi, bumalik sa lugar ko, yung bayan ko, yung buhay ko. Nangungulila ako sa lansangang puno ng kasamaan. Ngunit kailangan matuto, kailangan makibagay, kailangang makipagsapalaran, Yun naman ang ipinunta ko dito, alamin ang tunay buhay, maglakbay. Kahit gaano kahirap, kailangan tanggapin.
    Ang mga tao, lugar, alaala, ipis, kuto, walis, tigyawat, at higit sa lahat, karanasan. Ito ang nakaloob sa aking masaganang paglalakbay. Sila ang mga bagay na nagpapatingkad sa aking pag-unlad. Inspirasyon sa likod ng aking paghihirap.
Hindi ako nagkamali, MASAYA talaga sa Olongapo. Kaya tara na, bisitahin at paunlarin!

Lahok para sa Saranggola Blog Awards 2012, www.saranggolablogawards.com



Linggo, Setyembre 23, 2012

IpakosaKrus Essay Competition

 GET ONE WHOLE yellow paper and answer the following! NOW!

Kung si Corazon ang unang aswang, pang ilan ka? Illustrate the family tree.

If you were an animal, bakit ka baboy? Patunayan sa pamamagitan ng Venn Diagram.

Kung walang nilikha ang Diyos na panget, sinung lumikha sayo? Defend yourself.

Sinong kumagat sa apple logo ng Mac? Iexplain bakit hindi niya inubos.
Pagmasdan ang mga litrato ni Belo. Bakit lagi siyang nakanganga?

Masasabi mo bang fair ang Ms. Universe kung lahat ng contestants at judges ay galing sa Earth?

Sino ang magulang ni Dora at anong oras ang curfew niya?

Sa palagay mo, dumadaan ba si Charice sa identity crisis? Patunayan gamit ang pagbabago sa buhok nya.

Bakit kahit matindi na ang global warming ay hindi ka pa rin nagiging hot? Explain yourself.

Ano ang paboritong season mo ng Daisy Siete at bakit? Ibigay ang buod.

Using the Mohs Scale of Hardness, gaano katigas si Basha?

Paano mo tuturuan si Sadakong mag-whip ng hair back and forth? Show illustration.

Sa iyong pananaw, matatapos kaya ang palabas na Walang Hanggan?

Ang Maroon 5 ba ay galing UP? Patunayan ang sagot gamit ang kanilang mga kanta.

Kung nag evolve ang tao from ape to man. At what point ka nagpaiwan?

Bukod sa mukha mo, ano pang problema mo?

Ano ang mas malaki bagpack ni Dora? O bulsa ni Doraemon? Justify your answer.

Pareho ba ng direction ang One Direction at ang tuwid na daan ni Noynoy?

Kung banned ang PLASTIC, bakit hindi ka pa nagtatago?

Using your Monggol #2 pencil, illustrate the 50 shades of gray. No erasures please.

Bakit ka namin ipapanalo? Magmakaawa.

Kung mamamatay ka na bukas, Bakit hindi nalang ngayon? Elaborate your answer. Wrong spelling, wrong.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang isang parte ng mukha mo, bakit hindi nalang lahat?

Ilang beses tinadjakan ni Tulfo si Claudine? Compute the range using quadratic formula.

Convert Instagram to Kilogram

Gaano ka-itim ang kili-kili mo? Explain using Fifty Shades of Grey.

Bakit ang LANDI mo? No need to explain. Pass your papers forward!

Ano ang hindi mo alam sa akin


Oo nga, ano nga ba ang alam mo sa akin?

At ganon din ang tanong ko sa iyo, ano ang alam ko sa iyo at anong PAKIELAM ko sa buhay mo?!

Kung sasagutin ko iyan, marami, totoo! Aabutin tayo ng syam-syam at malaki ang babayaran mo sa computer shop (kung nagrerent ka lang)... Madami kasi sya, as in! Parang nobela na puno ng mga sikreto, misteryo, at higit sa lahat MAHIKA. Kakaiba na kasi ang panahon ngayon, ngayon pa't lulong ang kabataan sa Social Media, yung media para sa mga sosyal? Hindi ko alam kung nakikiuso, nakikitechie, nakikibagay, nakikipaglandian, puro nakiki! Kaya nga kung tatanungin kita, ANO PA ANG HINDI MO ALAM SA KANILA?

Sa paglaganap ng teknolohiya sa mundo, ay kabi-kabila na ang trip ng mga tao. Lahat na inilalagay sa INTERNET, kahit mga personal na bagay na makakasira sa iyo tulad na balat sa pisngi mo at nunal sa maselang bahagi ng katawan mo. Ang masaklap, may picture pa. Oo, minsan nakakabuti, pero kadalasan nakakasama. Ganito kasi ang papel ng social media sa kaisipan ng maraming kabataan, puro kasamaan (at KALIBUGAN, aminin!). Hindi na kasi nagiging maganda ang resulta nito lalo na't lumalala pa ng husto ang gamit nito. Sa isang Estudyante, ang internet ay ay malaking tulong para sa aralin (kahit na pagfafacebook lang ang inaatupag, kaysa sa assignment na nag-aantay lang sa kabilang tab). Sa mga businessman, para mapalaganap ang negosyo (yung iba panloloko lang), gayon din sa mga media kung saan mabilis na naipaparating ang impormasyon sa madalang tao (na kahit minsan hindi totoo).


Hindi na talaga maganda, yan ang sabi ng karamihan. Dahil nga sa dumadaming bilang ng mga krimen at kaguluhan na nilalamn nito. May mga nababalitang napapatay (lalo na sa indie films na bumabastos umano sa relihiyo ng Muslim), mayroon din nabubutis, nagkakaasawa ng maaga, napapahiya, nagagalit at ang laganap nabubully na malapit sa salitang harassment. Mantakin mo ba naman kasi, halos lahat na lang ng detalye tungkol sa iyo ay ipinagkatiwala na sa INTERNET, halos LAHAT. Kaya nga hindi mo makakailang, kilala na kita nung una pa. STLAKER!

Ang internet din ang source ng galit at muhi. Nag-aaway dahil sa ulam na menudo, nagkakasakitan dahil pangingielam (pati pagpasok sa banyo, iniistatus sa fb), nagbabastusan dahil parehas na insecure sa isa’t isa, nagpapayabangan, lahat nagpaparinigan! Malala na nga talaga! Ang galit pa naman ang pinagmumulan ng patayan…
Ito ang nga din siguro ang malaking dahilan para mabilis aprubahan ang BATAS ukol dito, ang CyberCrime Act. Tama nga rin naman, meron lang mga ilang hindi. Nawawalan daw kasi ang FREEDOM nila sa paggamit ng INTERNET (as if naman meron sila nito sa sarili). Pero gayun pa man, tayo din ang magdedesisyon ng mas nakakabuti sa atin. So INGAT lang, ika nga ng GMA 7, “Think before you Click.” Maging responsableng mamamayan ng networld. 

Tandaan:
“Modern Technology made us busy… FOR NOTHING.” ~ML. Tempore

Bwahaha…
IpakosaKrus!

Miyerkules, Agosto 22, 2012

SAKIT ng mga LOVER at BITTER

SYMPTOMS kapag CERTIFIED SINGLE ka:
1. Palaging nasa Bahay
2. Panalo ang social Life with Friends
3. Hayop sa tulog
4. GM ng GM ng mga Quotes
5. Palaging bagong Haircut
6. Tumataba
7. Wagas makaporma
8. Mukhang Happy kahit hindi naman talaga
9. EPAL sa Crush
10.  NangSTALK ng mga Picture sa FB...


SYMPTOMS kung CERTIFIED TAKEN ka:
1. Walang PERA
2. KURIPOT
3. Laging BLOOMING
4. Walang Social Life kundi Syota
5. Kadalasan SMART ang SIM na gamit
6. Palaging WALA sa Bahay
7. BORING kausap
8. Palaging GUTOM 
9. Madalang magUPDATE ng status sa FB
10. MINSAN lang magREPLY sa text


Bwahaha...
IpakosaKrus!
 Buwan pala ng WIKA ngayon, medyo nakakalimutang magupdate, EPAL kasi Prof ko e. Long VOCATION, nagbigay ba naman ng LONG ASSIGNMENT...
Kill Joy! Pero ayos lang, atleast may nagawa sa BOOoOOORing na Bakasyon.
Well then, maligayang BUWAN ng WIKA!


Martes, Agosto 21, 2012

Sa malupit na Pag-aanunsyo

Minsan, para kumita kailangan natin gumawa ng paraan. Tipong I read, I buy, I use, I spread. Dito na kasi bumabase ang mapusok na pangangailangan ng tao, lalo na sa pagaadvertise ng mga lokal na gamit at produktong pinoy. Kahit na minsan Uber na, ay ayos lang. Sabi ko nga para mas madaling maintindihan nila gawing mong mas kaaya-aya. Tulad ng mga ito:
Sa Hapag ng kainan...

 Sa barberong barbero...



Sa mga anunsyong ang SARAP manapak...


Sa mga prduktong Pinoy na
Nakakatawa pero nakakaPROUD,
Nakakaawa pero nakakaTOUCH.
Sa ngalan ng PERA...

Na pati ang mga dapat na matino...
Para lang makatipid sa ngalan ng BUHAY,
Maging masinop, mapag-alaga sa kalikasan,
matalino sa kalagayan at higit sa lahat,
WALANG TAONG NADADAANAN...

MATALINONG PINOY!
Yan ang masasabi ko, kahit na humaharap tayo sa tindi ng suliranin dala din ng ating kagagawan. Nagiging masaya tayo sa simpleng paraan, para pawiin ang kalungkutan na napupunan ng gintong kayamanan para sa bayan!
Maligayang Anibersaryo sa aking Christus Vincit Community, at maligayang pagdiriwang sa araw ng ating bayaning Si Ninoy Aquino...
IpakosaKrus!

LongKOWTS

"Hindi mo kailangan ng magandang mukha para mahalin. Dahil kung sadyang karapatdapat kang ibigin, ang UGALI mo ang siya mong magiging SALAMIN."
~IpakosaKrus!