Tsapter

Martes, Setyembre 27, 2011

LongKOWTS

"Mas matatalino ang taong Nagtatanga-tangahan kesa sa taong nagdudunungdunungan." ~IpakoSaKrus!!!

Pilipinas proud to be...


Kaya minsan proud ako bilang Pilipino, dahil may mga bagay na sariling atin lang talaga. Yung tipong gaya-gaya na pag ginaya pa. Kaya tayo lang talaga ang pwedeng manggaya. Natural na sa atin e. Bwahaha... ~IpakosaKrus!!!

Linggo, Setyembre 25, 2011

LongKOWTS

"Wala naman talagang eksperto sa pag-ibig, aminin man natin o hindi, lahat tayo may kani-kaniyang bersyon ng KATANGAHAN." ~IpakoSaKrus!

Huwebes, Setyembre 15, 2011

The Banana Story

Anu nga ba ang gamit ng Saging???



Nakakatakot man kung minsan dahil BANANANAAAA....
ay mayroon pa palang ibang gamit ito. Guess what???

Pwede!!! Ang alam ko lang kasi kaiinin e,
Ang mahaba at kumikislot na Banana...



Bwahaha...
Pero kahit ano ka pang Banana ka, Lab pa rin kita.
Iisa ka pa rin sa puso ko. Mmwwwaaahhh!!

         Marami pala talagang naidudulot ang pagkamalikhain nu? Talagang paganahan lang ng utak at labanan ng paunahan sa pagkabagot mo. Isa lamang ito sa mga halimbawa kung paano gamitin ang ating utak. Kahit weird, ayos lang. Basta may nagawa kang bago. Yung Tipong IKAW sa buong mundo ang nakagawa. Ipako sa Krus!!!

P.S
Bwahaha...
Inatake ako ng pagkabusy nitong mga nakaraang araw...
Nakakapanghinayang tuloy ang mga araw na hindi ako nakakapag post...
Hay... Ipako ka sa Krus!!!

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Suicide (Isang Maikling Kwento)


Isang pirasong lumpia at buko juice ang naging panawid gutom ni Jomar matapos ang kanyang final interview sa isang kompanya. Hindi niya alam kong paano pagkakasyahin ang perang pabaon ng kanyang ina kaya tiis muna siya. Babawi na lang siya ng kain pagkauwi ng bahay.

Katulad ng dati hindi maganda ang resulta. Siguradong uulanin na naman siya ng sermon pag-uwi. Palibhasa ay malabnaw ang kanyang utak at baluktot mag-english ay hirap siyang makapasa sa mga exams at interviews. Isang taon na siyang graduate pero hindi pa siya nagkaroon ng trabaho. At halos pagsisihan ng kanyang ama ang pagkakatay ng alagang manok na inihanda noong pagtatapos.

Palaging litanya ng kanyang ama ang pagkakaroon ng trabaho ng mga high school graduate sa tuwing di siya papasa sa pag-aapply. Sa bawat masakit na salita lalong bumababa ng kanyang self-esteem. Nabubuo ang gap na tila pader na di matibag sa pagitan niya at ng kanyang ama.

Naisipan ni Jomar na dumaan muna sa kaibigan para magpalipas ng oras. Kailangan niya ng kadamay sa mga ganitong pagkakataon. Isang taong nakakaintindi, susuporta sa kanya sa mga panahong siya ay mahina at nawawalan ng tiwala sa sarili.

"Pareng Jomar, nadalaw ka!" bati ng kaibigan kay Jomar. "Pasok ka!"

"Magpapalipas lang ng oras pareng Budong. Bagsak na naman ako sa apply ko!"

Mula pagkabata ay magkaibigan na si Jomar at Budong. Nagsimula sa kalye ang kanilang samahan pero lumalim dahil halos pareho sila ng pinagdadaanan at madalas talunan.

"Nakakalungkot nga iyan. Anong plano ngayon?"

"Hindi ko alam. Sigurado may sermon na naman ako kay erpat."

Napailing si Budong at hinawakan sa balikat ang kaibigan. "Kung gusto mo dito ka muna para maiwasan mo ang sermon. Magpalamig ka muna." Puno siya ng sensiridad sa sinabi.

"Sira ka ba? Magkapitbahay lang tayo! Parang malaki ang bahay n'yo para di ako makita dito."

"Pasensya na. Iyon lang ang naiisip ko para matulungan ka e. Kaibigan kita kaya ayoko din ng napapagalitan ka."

"Kaibigan ba talaga kita? May gusto sana akong sabihin sa'yo na matagal ko ng gustong gawin."

"Oo naman!" ubod ng lakas na sigaw ni Budong at halos madurog ang buto sa balikat ni Jomar sa tindi ng pagkakahampas niya. "Ano bang gumugulo sa isip mo at baka makatulong ako."

"Gusto ko ng mamatay." Mahina at mababa ang boses ni Jomar.

"Ano?!"

"Gusto ko ng mamatay. Magsuicide. Gusto pa inuulit e!"

"Naloloko ka na ba?!" Inalog ni Budong si Jomar na parang alkansya. "Madaming nagmamahal sa'yo."

"Sino?"

"Si Ally. Mahal na mahal ka niya."

"Break na kami. May iba na siya. Sana huwag mo na akong pigilan."

"Sige baka masabi mo pa akong kill joy e. Pero sa isang kondisyon!"

"Ba't ikaw pa ang may kondisyon?"

"Gumawa ka ng suicide note. Mahirap mapagbintangan. Pirmahan mo na din."

"Alam mo namang mahina ako sa essay e. Tsaka pangit ang penmanship ko!"

"Problema ba iyon? Halika," yaya ni Budong. Binuhay ang computer. Tinapik ang kumukurap-kurap pang monitor. Hinintay komunekta ang sumpunging dial-up internet connection. "Sa google ako naghanap ng cover letter pattern for sure meron ding suicide letter. Iprint natin para readable ang magagawa natin."

"Galing mo! Maasahan ka talaga."

"Kaibigan mo ako e! Kaya handa akong tumulong." May angas pa pagkakabigkas ni Budong na tila okay lang na mamatay ang kaibigan.

Matapos magsearch ay naglabasan ang iba't ibang pattern ng suicide note. May emo, cool, astig at may papansin lang pero di naman nagpakamatay.

"Okay ang isang iyan p're. Samahan mo ng konting english para magandang pakinggan sa tv kung may media na mapapadaan."

"Pasalamatan mo ako sa sulat ha, para may linya ako sa libing mo."

"Sige pare. Ano bang magandang paraan ng suicide?"

"Sleeping pills p're. Overdose. O kaya lason sa daga."

"Hindi ba masama ang lasa nun?"

"Medyo masama siguro pero wala namang side effect. Tsaka wala kang sakit na mararamdaman."

"Goodluck sa akin!"

Nagsimula silang gumawa ng suicide note sa pamamagitan ng pinagtagpi-tagping salita mula sa iba't ibang site. Nilagyan nila ng credits ang pinagkunan nila para di mademanda kung may magreklamo ng plagirism. Ilang sandali pa ay printed na ang suicide note. Dinamihan nila ang kopya para siguradong mababasa kung sakaling malipad ng hangin. Plano nilang ikakapit sa ref, ipapatong sa mesa, ididikit sa toilet bowl at sa lumang salaming nagsasabing ng pinakamagandang babae sa buong pantasya para mapansin agad. Pinirmahan ni Jomar matapos mabasa ang sulat.

"P're ang cool! Lucida Handwriting pa ang font! Astig!"

"Salamat p're sa suporta," maluha-luha pang wika ni Jomar at may bahagya pang pagsilip ng sipon sa bawat singhot. "Pero may isa pang problema. Wala akong pambili ng sleeping pills."

"Patay tayo d'yan. Walang wala din ako ngayon e."

"Magbigti na lang kaya ako? May lubid ka ba d'yan?"

"Meron kaso gamit pa ni bunso sa duyan niya. Yari pati ako kay ermat kapag nalamang wala ng tali ang duyan. Magsaksak ka na lang kaya?"

Napangiwi si Jomar. "Takot ako sa dugo e.."

"Pumikit ka na lang. Kaso wala ang kutsilyo dito. Hiniram ng erpat mo di pa nga sinosoli e."
"Kahit kelan badtrip talaga si erpat!" naasar pang wika ni Jomar.

"So anong plano mo?" Natahimik ang dalawa. Nagpaikot-ikot hanggang mahilo. "Hirap din pala magsuicide."

"Uuwi. Hahayaan ko na lang na si erpat ang makapatay sa akin."

"Magandang idea iyan. Paano itong mga suicide note?"

"Itago mo for future reference. Malay mo kailanganin mo din."

Walang nagawa si Jomar kundi umuwi ng bahay. Inihanda niya ang sarili sa mga sermon na aabutin niya. Pagpasok niya ay agad siyang sinalubong ng ama. Umiling agad si Jomar para ipaalam na bagsak ulit siya.

"Oh anak, kanina ka pa namin hinhintay. Nabanggit ko sa tito mo na wala kang trabaho. Tutal mahilig ka daw sa computer. Kukunin ka daw muna niyang taga-manage ng shop n'ya. Aalis na kasi sila next week papuntang Canada," lahad ng ama ni Jomar pagpasok pa lang niya ng pinto.

Huwebes, Setyembre 1, 2011

Pamatid Uhaw

            Natatandaan ko pa nung bata ako, bago magtakip-silim, kung kailan amoy araw na kami, pagkatapos maglaro ng paboritong "taguan-taguan", pupunta ako sa tindahan ni Manang Auring para makipagunahan sa pagbili ng FRUIT JUICE - inumin na may ibat ibang "flavor" na nakalagay sa isang matigas na "plastic". Guyabano "flavor ang pinakagusto ko kahit parang lasang suka na ‘to sa kaasiman - parang hindi talaga guyabano. Tuwang-tuwa kami habang nagkakantiyawan tungkol sa natapos na laro habang ang ibang kalaro mo ay nagpupunas ng sipon, sa pamamagitan ng kanilang mga nanlilimahid nang mga damit, na hindi mapigilan ang paglabas mula sa kanilang mga ilong. Nakakatuwang isipin na lumipas na ang panahon na yun hanggang ipatigil ang pagbebenta ng produktong yun dahil sa sobrang acid daw na nakalagay dito. Ika nga, yun and "opisyal" na inumin ng kabataan ko – ang grupong ng mga  “Uhugin.”

            Hindi nagtagal. Lumipas ang panahon at patuloy na natuyot ang dahon ng oras sa tangkay ng panahon, naiba ang aking mundo, ang mga kasama ko. "Primary years" sa pag-aaral. Naging mas kakaiba ang mundo. Mula sa mundo ng pagsisiya at simpleng buhay bata, naharap ako ngayon sa panahong kailangan ng makipagkumpetensiya hindi lang sa kaaway mo sa pagaaral, maging sa mga kaibigan mo dahil hindi maikakaila na mga "klasmeyt" mo din sila. Ito ang panahon na kung saan napaka-grade "conscious" ko. Si nanay at si tatay kasi laging nagyayabang sa may kanto, sa lahat ng lugar na may kamag-anak kami, o sa lahat ng makainuman ni tatay, tungkol sa pagkakaroon ng matalinong utak ng kanilang anak. Ngunit pagkatapos ng isang buong araw na pagkahapo sa pagaaral at pakikipagunahan mailagay sa "top" ng bulletin board sa kwarto, andun kaming magkakaibigan, umiinom ng softdrinks - ZESTO. Paborito kong brand. Nakakatuwa kasi ibat-ibang "flavor" parang yung FRUIT JUICE ko dati.

            "Gumradweyt" na ako ng elementarya at mas naging mapanghamon ang mundo ko. Galing akong Olongapo - ngayon sasabak ako sa mundo - Maynila. Ewan ko ba? bakit kailangang makipagsabayan sa mga klasmeyt mo - kung anong estado nila sa buhay - mayaman o mahirap, bobo o matalino, sosyalera o simple. Kailangan para maging miyembro ka o makasama ka sa kanila. Sa panahong ito, nakainom ako ng "softdrinks" - COKE. Nung bata pa ako bawal sa amin ang COKE, sapagkat sa mga espesyal na mga okasyon lang ang pag-inom nun. Laging TANG o kaya KOOL-AID juice lang ang pinapainom. O kaya sa tuwing may sakit kami, laging bumibili ang tatay ko ng ROYAL TRU-ORANGE - sabi niya gagaling daw ako dahil dun… gumagaling naman ako sa sakit ko. "Weird" di ba? Pero sa panahong ito, lagi na akong umiinom ng SPRITE, ng COKE, ng "soft-drink.

            Sa pagkakataong ito, ang "softdrinks" ang naging paraan ko ng pakikihalubilo - sa tuwing pagkatapos ng mag laro ng DOTA ng basketbol o "volleyball", ito ang premyo sa iyong pagkapanalo sa pustahan bago mag-umpisa ang laro.

            Napunta ako ng Maynila. Dito na ako nag-"college". Hindi na bago sa akin ang Maynila sapagkat dito bukang bibig na ito ng mga guro ko sa high school. Mas lalong lumawak ang pananaw ko sa buhay, maging sa mga pamimilian ko ng inumin ko - ngayon may DALANDAN "softdrinks" na una kong nalasahan sa Jolibee. Nagkaroon na ng POMELO juice - panghalo sa gin na minsan iniinom ng barkada. Mayroon na rin nahalong mga matatapang na alak - WINE, VODKA, etc. Napapadalas na nga ang paginom ko ng KAPE para makapagreview at maging alerto maging sa gitna ng hatinggabi. EXTRA JOSS o RED BULL pag naiisipan ko.

            Hindi rin nagtagal, lumabas ang C2. "Green tea" na daw ang uso ngayon. Una kong natikman yun, medyo nanlata ako sa lasa. Hindi sanay. Pero lahat ng bagay natutunan. "Apple flavor" kasi ang una kong natikman. Sa lahat pa naman ng prutas ayaw ko ng mansanas. Natikman ko ang ibang "flavors" - nagustuhan ko ang "oarange flavor."
            Dumami ang nakalagay sa mga convinience store. Nalilito na ako sa dami ng pagpipilian sa   "7 Eleven." Di ko na alam ang kukunin ko sa "Mini Stop." Pero ngayon mas naconscious na ako sa sarili. Maraming "calories" ang ibang "soft-drinks" - nakakataba. Kaya ngayon, iniinom ko dapat may LITE o DIET na nakalagay. Hindi lang ako ang taong nagustuhan ang "line" ng produktong ito. Nagtataka nga lang ako bakit kung kailan inalis na ang asukal sa "soft-drinks" mas mahal pa kaysa sa kumpleto ang laman. Mas mahal daw kasi ang asukal na walang "calories." Nakaugalian ko na ang uminom ng ibat-ibang klaseng inumin na nabanggit ko, hanggang nagkaroon ako ng ULCER. Hindi na muna daw ako pwede uminon ng "hyperacidic" na inumin. Wala akong magawa. Balik ako sa "juice" o kaya "mineral water" o isang basong tubig mula sa poso.
            Nakakatuwang isipin na lumipas ang labin walong taon na patuloy, na may pagbabagong nagaganap sa buhay ko kasabay ng pagpili ko ng inumin na lalagukin ko patungo sa aking lalamunan. Hindi ko lang alam, kung ano na naman ang iinumin ko sa darating na panahon, sa susunod na tatlo, lima o sampung taon. Siguro kape na lang, tsaa, o kaya bagong lasa o produkto na naman ng softdrinks. Pero sa pagkakaalam ko sa ibat-ibang pagkakataon o sa hinihingi ng panahon, may isang pamatid-uhaw na sasagot sa hinihingi ng lalamunan mo at patuloy na maghahanap ang tao ng bago dahil kailanman hindi tayo nakuntento.
Sige, subukan ko muna ‘tong GREEN TEAZ - "green tea" daw with the touch of cola."

P.S
Marami pa akong gustong Ipost…
Oo, Marami pa. Maraming nagsusuggest. Sige Lang.
Mas OK nga yun e. Paano bay an, See you Next Post…

Bwahaha... PS talaga e nu.
Ipako ka sa Krus!!!