Tsapter

Sabado, Disyembre 31, 2011

Anong favorite line mo sa 2011?


Patapos na naman ang taong 2011 at ito ang tanong: ANO ang nabago ng 2011 sa buhay mo? Sa pisikal ba, mentalidad, kaalaman, personalidad at pakikiitungo na pinag-igiran mong matupad bago pa man matapos ang butihing taon. Sa kabilang banda, ano ang mga linyang ginawa mong inspirasyon para pagpursigihan ang mga gawainng pagbabago sa iyo (kung meron man). Sigurado ako meron yan! Halimabawa marami sa iyong ang nagsasabing pangit ka. Dahil dun ay nagpursige kang i-edit sa computer mo para mapaputi at maalis ang mga signs ng kabalahuraan mo!
Pero sa akin, siguro ito ang mga nagpabago sa mga kademonyohan ko nitong taon (sa iba't ibang aspeto).

"Midan, you are the greatest writer I've ever seen." Char!

"IMBA ka Midan!" with matching meow.

"Wala kang katulad Midan! Idol talaga kita!" tapos teary eye kuno (sign of appreciation lang).

"Not now but maybe tomorrow, your wisdom (huh?) will be a countless admiration for others." Ikaw na! Huhuhu... 
"Midan, ikaw na talaga ang buhay na kristo!" Wehhh...
"Pagkasama kita para akong nilalabasan, Pramis!" Ilang sapak gusto mong hayop ka huh?

".............." *&%&%#$*&% ka rin! haha!

Madami pa yan, too much to mention kasi nakakalaki lang ng ulo ko. At take note a, lahat ng iyan ay true story sa buhay ko. Galing din sa kung sino-sinong tao na may malaking  handog sa aking pagbabago. Sa akin pa lang yan! E pano pa ang sa iyo na dahil sa dinami-daming pinagbabago mo araw-araw ay hindi mo napapansin sa paniniwalang WALA.
At kung linya din man lang ang paguusapan, ay hindi nagpapahuli ang mga tao ng ating industriya. Ang Channel 2 at 7 na may sarisariling pakulong linya. Tulad nung "100 days to heaven" na ilang one hundred na araw ang binilang ko na "KUHA MO?!" na isang araw pa lang ay kabikabila na ang pagsikat, isama pa ang sa mga katext mong Jejemon. Ganito rin ang pinausong linya ng sa 7 na pinakalolokohan ng mga kabataan. Pati na nga senador ay nakikisali sa mga pick-up line para pangaralan ang tao sa kung anong tamang paniniwala nya. Isa din ang pinauusong pambara ni Vice Ganda, ma patok sa eklavung ekek. At ang kung anu-anong ekspresyon ng kung sino-sino dahil sa paglala ng virus ng pagkamalikhain...
Kaya nga saludo ako sa mga may Originality!!

Sa huli, lahat ng ito pinagbabago ng tao hindi lang tuwing pagkatapos ng taon kundi bawat pagtatapos ng araw. Dahil sa mga linyang ito dito nahubog ang tama at masiyang pakikisalamuha kahit na iba na ang dating sa iba. Ilan dito ay ginamit ko. At alam ko kayo din ay gumamit nito sa barkada, karelasyon, at kung sino-sinong katext na tinext din sa iba. 
Kaya ito ang huli kong linya sa araw ng 2011, "Isang masaganang taon sa ating lahat! Ihinihilinh ko sa poong may kapal ang ikakabuti ninyo at inyong pamilya sa pagpasok ng butihing taon!"

Bwahaha...
Ipakosakrus!

Linggo, Nobyembre 20, 2011

Bahala na...

Nakumpirama na! Wala na talagang lunas sa sakit na ito. At ito ay hindi na talaga maiaalis sa pagkaPilipino. Kaya minsan ay kinapayanam ko ang sikat na may bahala na syndrome. At ito ang aming napag-usapan ukol sa isang estudyante:

 Bwahaha...
Ipako ka sa Krus!

Sabado, Nobyembre 12, 2011

LongKOWTS

"Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit hindi tayo nagtitiwala sa isang tao. Una, Hindi natin sila Kilala. Pangalawa, Dahil kilala na natin sila." ~IpakosaKrus!!

LongKOWTS

"Maraming bagay ang nasasayang dahil sa mga biglaang desisyon. Marami ding tao ang nagsisisi sa maling aksyon. At mas maraming nanghihinayang dala lang ng emosyon sa mga panahong mas nangingibabaw ang lungkot at maling interpretasyon." ~IpakosaKrus!

Linggo, Oktubre 30, 2011

Search for the International Sand Artist...

          Madami ang nangarap at sumubok, ngunit pili lang ang nakatanggap ng oportunidad para makasali sa ganito uri ng patimpalak, ang Pakabogan ng Sand Art.
Ito ang limang pinalad na makasali:

1. "Death" ni Hudson Seinna 


2. "Circles" ni Jim Denevan


3. "Firey" ni Peter Donnelly


4. "Joy" ni Sharon Blance


At ang pinagmamalaki ng...

 
 
Ang "Firey Death in the Circles of Joy"

Bwahaha...
Ipako sa Krus!!!

Sabado, Oktubre 29, 2011

Ano na nga ba tayo ngayon?

Heto na naman ang bagong isyu ng panahon. Lumalandi na nga ba ang kabataan?

 

         Hindi ka ba nagtataka, na kapag ang isang bagay ay pinauuli-ulit ay nagiging natural na, o ayos na sa moral ng kasalukyan?
         Halimbawa na ang Korupsyon...
       Dahil sa palagiang isyu nito sa ating bansa ay tila isa na itong  parte ng ating pagkapilipino, natural na nga e. At marami ang lumalabas na may kasalanan dito. Isa na Midya na kung saan ay pinag-iinitan din ng mga kapwa midya. Kabilang din syempre ang walang kupas na Teknolohiya, Edukasyon, pangaral ng magulang, at ang indemand sa mata ng mga tamad, ang Gobyerno. At hindi din natin ito kaagad maalis dahil Natural nga e, kaya nga minsan napapaisip ako na habang tumatanda ang mundo ay marami ang namimilosopo...
     
                  "Maraming nagbabago, marami ding ginagago."  
      Yan kasi tayo. Minsan pinipilit natin ang mga bagay na hindi naman nararapat, pinipilit nating gawing tama ang mali, tsaka lalapatan ng malamang rason base sa karanasan o nakamit sa buhay. Pinapamukha natin sa tao na nagawa ko ito dahil gumawa ako ng bago sa mata nyo kahit na mali at may kalabagan sa pagigiging mabuti ng isang tao. 
        
      Sino nga naman ba ako para mag-pangaral sa mga kapwa ko kabataan. E minsan din akong naglandi. Minsan ding akong may ginawang mali. Minsan ko na ring naranasan ang buhay na inakala kong tama. Kasi bunga din ako ng modernisasyon kung saan lahat ng bagay, nagbabago.

Bwahaha...
Ipako sa Krus!!!!

Balikbayan - isang kwentong dapat pag-isipan

Tatlong malalaking pabrika ng kandila, limang paupahang gusali at dalawang mansyon. Ito ay pagaari lahat ng isang Pilipino na nananalagi ngayon sa Amerika. Isang Pilipinong tubong Pampanga na multi-milyornayo dahil na din sa kaniyang mga negosyo. Kahit todo ang kaswertehang inabot niya, hindi pa din niya tinalikuran ang pagiging Pilipino nya. Napalaki pa niya ang kaniyang anak sa napaka-Pilipinong paraan, kasama na dito ang pagkain ng lutong Filipino at pagsasalita ng Tagalog at mag I-ingles lamang kung kailangan.
            Pagod ang utak, napagdesisyunan niyang magbakasyon muna. Ang dami agad nag-alok sa kaniya ng ibat ibang destinasyon sa ibat ibang panig ng mundo pero isa lang ang nasa isip niya, ang maranasan at muling bumalik sa Pampanga. Sinasama sana niya yung asawa niya pero marami at tambak din ang trabaho nito bilang isang dentista. Walang mapapagiwanan sa bunsong anak kaya naisip na lang niyang isama niya ito at para makita din at maranasan nito kung paano ang buhay sa probinsya.
Mga madaling araw na sila nakarating sa Maynila. Dumerecho agad sila sa Pampanga. Dun na sila nag umagahan sa Pampangga. Masaya siyang tinanggap muli nung mga kamag-anak at dati niyang kaibigan. Pakiramdam niya bumalik na naman ang panahon at muli itong umuulit sa kinalalagyan niya ngayon. Kapansin pansin din ang sobrang saya ng kaniyang anak. “Ngayon ko lang nakitang ganiyang kasaya si BUNSO, lahat naman ng laruan e binibili ko sa kniya sa dun sa Tate pero iba ang saya niya dito ah” sabi niya sa tiyahin niya. “Hayaan mo na siyang magsaya at kami na ang bahala sa kaniya” sagot naman nung tiyahin niya. Sa isang bahay na gawa sa pawid ang bubong na tinuluyan nila doon. Muli, naranasan niya ang buhay probinsya, simple, walang problema, at sobrang saya. Dito, hindi na niya kailangan ng pera para sumaya.
            Ilang Linggo din ang lumipas, kailangan na niyang bumalik para din sa mga naiwang responsibilidad. Naging ma-emosyonal ang paghihiwalay ng kniyang bunsong anak at mga kamaganak nito. Pilit niyang pinigilan ang kaniyang sarili na wag ipakita ang kalungkutang nadarama niya sa anak. Halos 16 oras ang biyahe sa eroplano. Nakabalik din sila sa Amerika. Hindi pa din maipinta ang mukha ng bata. Alam niyang nagustuhan ng anak sa Pilipinas pero wala naman siyang magawa.
Kinabukasan, inabutan niya ang kaniyang asawa na nagluluto ng bacon at sausage, ilang linggo din niyang hindi natikman ang mga ito. Gawain na niyang pagkatapos kumain e lumalabas siya ng hardin, doon niya inabutan ang kniyang bunsong anak at sinalubong na siya nito ng ngiti.
“Pa, tara laro tayo ng SUNGKA!” habang masaya niyang inilalabas ang laruan na ginawa pa ng kaniyan tiyuhin sa Pampangga. Habang nilalaro niya ang bunso, dito na siya nakakuha ng tiyempo para tanungin at kumustahin ang bakasyon nila ng kaniyang anak.
“O anak nagustuhan mo ba yung bakasyon natin sa Pilipinas?” tanong niya.
“Opo pa, sobra sobra po!!” sagot naman nito.
Biglang pumasok ang kaniyang nanay “So ngayon anak naranasan mo na kung paanong mamuhay ng MAHIRAP?” mabilis na tanong ng nanay.
Inosenteng pagiisip, sumagot siya sa nanay niya.
“Meron po tayong isang alagang aso, sila meron pong 4 na aso, anim na baka, tatlong kalabaw saka 12 na manok”
“Mommy akala ko po ang laki na ng swimming pool natin, sila po ang dami nila na nagkakasya pag naliligo sa ILOG”
“Ang dami po natin mga mamahaling Lampara sa bahay, sila po mga BITUIN sa LANGIT yung makikita mo pag tumingala ka.”
“Pag po ginagamit natin yung kotse ni papa pag pumapasok ako sa school wala akong makausap, yung mga bata dun ang sasaya po nilang naglalakad papasok sa school”
“Meron po tayong mga camera nakapalibot sa labas ng bahay natin para ma-proteksyonan tayo, sa Pilipinas mga kaibigan at kamaganak nila ang nagpo-proteksyon sa kanila.”
“Maliit lang po pala tong lupain natin noh? Kasi sa Pampanga po pag lumabas ka ng bahay ang laki po ng taniman nila!!”
“Tapos pag kelangan nating kumain pupunta pa tayo sa supermarket para makatikim ng prutas saka gulay, sila po doon pumipitas na lang sa likod ng bahay nila”
“Dito po pag naglalaro ako ng video games mag-isa lang ako, doon po ang dami kong naging kaibigan. Pag naglalaro kami hindi ko na kailangan ng TV saka ng speaker, tubig lang po ang gamit namin pang guhit sa lupa nakakapag PATINTERO po kami, ang ilaw po namin yung liwanag ng buwan”.
“Kanina ang gumising sa kin yung pong alarm clock ko, sa kanila po maririnig niyo yung manok.”
“Kung gusto natin ng matahimik na lugar para kumain, dun tayo sa restaurant. Kami po ni papa dati sa ilalim ng punong mangga kumain mas matahimik.”
“Dito po kilala lang natin sila Mr. Smith saka sila Mr.White kasi katabi lang ng bahay natin e, sila po doon sa Pilipinas mga 12 po ang bahay, lahat magkakakilala.”
“Kelangan pa nating mag punta ng Aviary sa San Francisco para makipaglaro ako sa mga ibon. Doon po lalabas ka lang ng bahay ibat ibang ibon na yung nakikita at nakakalaro ko.”
..
.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Tumahimik ng sandali, nagsalita na naman ang bunsong anak.
“Mommy, HINDI PO BA MAS MAHIRAP PA TAYO??”

Bwahaha...
Ipako ka sa Krus!!!
Medyo naging bisi ako nitong mga nakaraang linggo talaga. Kung anu-anong patimpalak kasi ang pinagtuuan ko ng Pansin. Pero ngayon, dahil Semestrial break na ay panibagong post na naman ang inilagay ko bagama't hindi sa akin pero sigurado naman akong kakapulutan nyo ng aral at mapapagisip kayo sa ipinahahayag ng kwento.
Maraming salamat nga pala sa patuloy na nagbabasa!!!

Lunes, Oktubre 10, 2011

Pliptap

Hari ng kalsada ang tawag sa kanila,
Rapper kuno na puro kakaiba,
Mga bira nilang nakakatawa,
Na kahit ulit-ulitin di nakakasawa. 

Sila-sila nagmamagaling
Sa youtube naglipana at doon nagpakita
Ng talentong tinatawag nilang tunay na makata,
Na tumeterno sa mukha pati mga salita. 

Pinauso daw ng mga rapper,
Na dating tambay na mukhang holdaper,
Tsaka na sumikat, kamakailan ay nabalita,
Bagong pride ng mga tambay sa bansa. 

Di na makakailang masayang libangan,
Ngunit dulo’t nito’y pagkasira sa panitikan,
Nanganganib pati mga moral ng kabataan,
Sa kasanayang nakakatakot kung pagiisipan.

 
Bwahaha...
~Ipako sa Krus!!!

Sabado, Oktubre 8, 2011

Pilipinas proud to be...

Ito ang mga bagay kugn bakit nakakaproud maging Pilipino,

Sa kabila ng Ulan at bagyo,  


Edukasyon at teknolohiya, 


Pangkabuhayan at pagiging wais,


Pagiging makata sa kabila ng katayuan sa buhay,

Sa tradisyon at mga kinasanayang gawain,

At higit sa lahat,
Dedikasyon para sa bayan.

Sino ba ang hindi magiging proud?
Hindi ba't mga kapwa Pilipino din?

Bwahaha...
~Ipakosakrus!!!

Huwebes, Oktubre 6, 2011

Eroplanong Papel

            “Anu yun? ang baho…”
            Tahimik pa rin ang lahat sa loob ng silid. Walang imik. Ang class president ay nasa harap, nakikiramdam ng mga kaluskos at ingay na gagawin ng mga kapwa kamag-aral. Konting galaw ay baka maisulat muli ang pangalan sa pisara. Ngunit nabasag ang katahimikan, nang umlingawngaw ang maiskandalong amoy. Mabilis kumalat ang amoy dahil sa sarado ang pinto at ang sira-sirang bintana. Napailing ang lahat. Tila may sinisipat na kung anu mula sa paligid. Tumindi pa ang amoy at nagsimula nang gumawa ng tensyon sa loob ng silid.
“Maam si Gino po napatae!”
            Ang sigaw na iyon ang lumikha ng ingay at hiyawan sa buong klase. Ang iba ay nagsipagtakbuhan palabas upang makaiwas sa  baho na nakulob loob ng silid. Lahat ay masama ang titig sa may sala.
            “Yakkk…” bulong ng ilan.
            Wala nang nagawa si Gino kundi ang umiyak. Mga ilang sigundo lamang ay kumaripas na ito ng takbo. Nasa kalagitnaan ng pagkadismaya ang buong klase nang dumating ang kanilang guro tangan-tangan ang pocket book na may cover na precious heart romances.
            “Pido, get my bag on the principal office now!” bulyaw nito sa nakatayong studyante sa harapan.
            “Class, what’s happening here?!” dugtong nito. Sa pagkakataong ito ay tumaas ang boses habang ingat na ingat madikitan ang basa pa nitong kutiks.
            “Maam si Gino po kasi…”
            “Shut up I’m not asking you!” Sigaw muli nito na halatang nagngitngit ang ngipin sa galit. Nangati ang ilong nito sa nadatnan at binigyang isang nakakatakot na tingin ang bawat isa. Nagkalat pa ring ang iniwang bakas ng nangyaring iskandalo kanina.
Si Gino ay nagtungong palikuran at sumilid sa isang bakanteng cubicle at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. Hindi niya lubos maisip ang nangyari, ang nakakahiya niyang ginawa sa loob ng klase.
            Ilang sandali ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng palikuran, narinig nya ang yapak ng isang malaking tao. Napakiramdaman niya ang maingat na pagbukakas ng tila estranghero sa bawat pinto ng cubicle. Papalapit ito sa cubicle na kanyang pinaglalagyan. Ilang hakbang pa ay narating na nito ang eksaktong lugar niya. Pinilit nitong buksan ang pinto. Ilang kalampag pa ang nangyari. Tumindi ang pagtibok ng kaniyang puso. Bahagyang lumakas ang kaniyang paghikbi. Natahan na lamang siya ng biglang bumukas ang pinto…
            “Hoy! Pre gising!” isang malakas na sigaw ang gumising sa kaniyang diwa kasunod nito ang pagdapo ng isa pang malakas na hampas sa kaniyang balikat. Iniangat niya ang kaniyang ulot at pilit inaninag ang paligid.
Panaginip! Bulong niya sa sarili. Itinungkod niya ang kanyang siko upang maiangat ang ulo. Tsaka niya na lamang naalala kung nasaan siya. Sa klase. Tulala pa rin sya sa pagbalik ng kaniyang katinuan.
            Ang panaginip na iyon ay pilit siyang minumulto simula ng makapagtapos siya ng hayskul. Isang pangyayaring kahit kalimutan ay pilit pa ring nanunumbalik. Tumingin sya sa relos mag-aalas siyete na pala, kalahating oras na lamang ang kaniyang gugugulin sa loob ng malamig na silid na iyon.
            Matapos ang mahabang biyahe, ay tila gumugulo pa din sa isip nya ang naturang panaginip. Inilapag nya ang kaniyang gamit sa lamesa at nahiga sa kama. Ipinikit ang mga mata at tuluyan nang nilamon ng dilim ang kaniyang paningin…
            “O Gino, anung ginagawa mo dyan?” tanong ng lalaking pormal kung manamit, si Paul ang lalaking nasa gawing likod nya sa seating arrangement na ginawa ng guro.
            “Lumayo ka sa akin! Alam kong aasarin mo lang ako!” bulyaw nito sa lalaki.
            “Hahaha… Anung dahilan bakit kita lalaitin?” nakangiti niyang tanong.
            Natikom na lamang si Gino sa pinakitang pagmamalasakit Paul. Natatandaan niya noong nakaraang araw lamang simula nang lumipat si Paul sa kanilang paaralan galing Maynila. Sa unang araw nito ay wala itong kausap o kalaro man lang pagkauwian.
            “May dala akong ekstrang gamit dito baka gusto mong hiramin?” paputol nito sa katahimikan ni Gino.
            “Maraming salamat.” Tugon niya. Tumayo siya at nagtungong shower room ng palikuran. Pagkatapos ay nilinis ang buong katawan at lumabas suot ang damit at pantalong ipinahiram ng bagong kaibigan. Magkasabay silang lumabas ng palikuran. Bakas pa rin ang mga nandudurong na mata sa kanya. Hindi na nila ito pinanasin at tinuloy-tuloy ang paglalakad pauwi.
            Kinabukasan, ay maagang bumangon si Gino sa kaniyang higaan. Ramdam niya ang bati ng maaliwalas na umaga. Naglinis ng sarili at kinuha ang bagong uniporme at nagmadaling pumasok. Huminto siya sa harap ng tarangkahan at may tila hinintay na darating. Maya-maya pa ay dumating na ang kanyang pakay sakay ng isang ngarag-ngarag na scooter, si Paul kasama ang kanyang ama. Dali dali siyang lumapit dito at umakbay.
            “Pre, Salamat nga pala kahapon a, you save my life!” pagbati nito sa kaibigan.
            “Hehehe… Wala yun. Teka ibalik mo yung mga hiniram mo a.” ang pabirong sagot nito. At magkasabay pumasok ang dalawa.
            Recess na iyon ng mapansin ni Gino na bising bisi ang kaibigan sa kaniyang desk. Lumapit siya at nadatnan ang ilang lukot-lukot na papel. Hirap na hirap itong tiklupin ang bawat dulo ng papel. Patriangulo, parisukat at kasabay ng paglukot.
            “Anung ginagawa mo?” inosente niyang tanong.
            “Huh? E wala ito. Gusto ko lang sanang gumawa ng eroplano. Pangarap ko kasing maging piloto balang araw.” Sagot ni Paul sa kaibigan.
            “Pangarap? Piloto?”  si Gino.
            “Oo Gino, nagsisimula kasi ang lahat ng bagay sa pangangarap. Ikaw ba anung pangarap mo?” si Paul.
            “Ako? A… E… sa ngayon wala pa akong pangarap. Bata pa kasi ako. At alam kong marami pa akong magagawang kamalian sa pangangarap ko. Siguro hindi ko pa panahon para mangarap. Ang gusto ko lang ngayon ay tamasain ang mga bagay na mayroon ako. Mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa akin. Doon na muna ako siguro tutuon.” Seryosong sagot ni Gino.
            “Hehehe… Ikaw bahala. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo Gino. Wala sa tamang panahon, estado o edad ang pangangarap. Nasa tao yan kung kalian at paano nila maiisipang gawin ang tama at nararapat.” Pagtutol ni Paul. Bahagyang lumalim ang usapin kaya’t sumalo na rin si Gino sa paggawa ng eroplano.
            “Yan tapos na!” sigaw ni Paul at itinaas ang kaniyang likhang eroplano sa buong klase. Namangha ang lahat sa kaniyang eroplanong papel.
            “Hoy tulungan mo naman ako dito.” Pagmamakaawa ni Gino.
            “Tuturuan kita pero ikaw ang gagawa. Hindi naman tama na lahat ng nalalaman ko ay ituturo ko sa iyo. Minsan kailangan mong tumuklas ng bago para mahigitan ang nalalaman ng iba.” Pagmamalaki ni Paul.
            Mabilis natuto si Gino. Pagkatapos ng klase ay dalidali silang lumabas ng silid at pumwesto sa bandang itaas na burol. Magkasabay nilang pinalipad ang likhang eroplano na sinabayan naman ng malamig at preskong hangin. Pinagmasdan nila ang magaling na pagsunod nito sa hihip ng hangin. At tila sumagi sa isip ng dalawa ang ang pangarap na makalipad at maglakbay sa malawak na mundo.  Ilang minuto din bago ng lumapag ang eroplanong papel sa lupa.  Tulad eroplanong papel na nagpahiwatig ng pangarap ay mananatiling pangarap kung walang pagkilos at pagpapalipad muli.
Paulit-ulit nila itong ginawa sa mga bakanteng oras nila at pagkatapos ng klase. Ang burol na iyon ang naging saksi ng kanilag matibay na pagkakaibigan. Hanggang sa dumating ang araw ng kanilang pagtatapos bilang hayskul. Ang malagim na pagtatapos.
             Biyernes ng umaga noon ng pauwi sila galing sa Baccalaureate mass. Masayang nagsipaguwian ang lahat ng studyante maliban kay Paul at Gino na nagpahuli saglit dahil sa paghinihintay ng ama ni Paul. Mga ilang minutong paghihintay ang kanilang ginawa at dumating na ang kaniya ama. Nagpaalam na si Gino para sa pag aayos sa gaganaping pagtatapos kahapunan. Huminto ang scooter sa gawing gilid ng simbahan. Pasakay na sana ng sasakyan si Gino ng may rumagasang sasakyan sa kahabaan ng highway. Bumabarurot. At isang saglit isang delubyo ang naganap.  Isang  malaking van sumalpok sa sinasakyang scooter ng mag ama.
            Natuloy ang pagdaos ng programa. Bagamat isang napalaking araw para sa lahat ng estudyante ang araw ng pagtatapos ay tila habang buhay naman na panlulumo ang naramdaman ni Gino. Ang isang araw na nagpapaalala sa kaniya ng masakit na pagpapaalam mula sa kanyang tunay na kaibigan…
            Mula sa kanyang pagkakatulog, siya ay nagising. At hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha. Kaya pala. Kaya pala paulit-ulit ang panaginip na iyon. Ang panaginip na nagpapaalala sa araw ng pagkakakilala ng isang kaibigan.
            Isang linggo na lang at magtatapos na ng pag-aaral si Gino sa kursong Piloto na isang kaibigan ang bitbit kasama ang nagiisang niyang pangarap.  Kaya pala ako nagpapatuloy dahil sa isang pangakong namutawi sa aking isipan. Ipagpapatuloy ko ang pangarap ng aking kaibigan. Ako ang magsisilbing eroplanong papel na minsan nang nangarap.
*****************
Kalaunan nadiskubreng nakainom ang driver ng sasakyang van na kumitil sa buhay ng mag ama. Ngunit mabagal ang takbo ng hustisya dahil sa hindi malamang dahilan. Nagpag alaman din sa huli na anak pala ng isang makapangyaring politiko ang nagmamaneho ng van..Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw ang kaso at patuloy na nakikipaglaban ang nangungulilang ina ni Paul sa pagkakamit ng Hustisya.
 Lahok sa Saranggola Blog Awards 3.
www.saranggolablogawards.com
 Bwahaha...
             ~Ipakosakrus!!!

Martes, Setyembre 27, 2011

LongKOWTS

"Mas matatalino ang taong Nagtatanga-tangahan kesa sa taong nagdudunungdunungan." ~IpakoSaKrus!!!

Pilipinas proud to be...


Kaya minsan proud ako bilang Pilipino, dahil may mga bagay na sariling atin lang talaga. Yung tipong gaya-gaya na pag ginaya pa. Kaya tayo lang talaga ang pwedeng manggaya. Natural na sa atin e. Bwahaha... ~IpakosaKrus!!!

Linggo, Setyembre 25, 2011

LongKOWTS

"Wala naman talagang eksperto sa pag-ibig, aminin man natin o hindi, lahat tayo may kani-kaniyang bersyon ng KATANGAHAN." ~IpakoSaKrus!

Huwebes, Setyembre 15, 2011

The Banana Story

Anu nga ba ang gamit ng Saging???



Nakakatakot man kung minsan dahil BANANANAAAA....
ay mayroon pa palang ibang gamit ito. Guess what???

Pwede!!! Ang alam ko lang kasi kaiinin e,
Ang mahaba at kumikislot na Banana...



Bwahaha...
Pero kahit ano ka pang Banana ka, Lab pa rin kita.
Iisa ka pa rin sa puso ko. Mmwwwaaahhh!!

         Marami pala talagang naidudulot ang pagkamalikhain nu? Talagang paganahan lang ng utak at labanan ng paunahan sa pagkabagot mo. Isa lamang ito sa mga halimbawa kung paano gamitin ang ating utak. Kahit weird, ayos lang. Basta may nagawa kang bago. Yung Tipong IKAW sa buong mundo ang nakagawa. Ipako sa Krus!!!

P.S
Bwahaha...
Inatake ako ng pagkabusy nitong mga nakaraang araw...
Nakakapanghinayang tuloy ang mga araw na hindi ako nakakapag post...
Hay... Ipako ka sa Krus!!!

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Suicide (Isang Maikling Kwento)


Isang pirasong lumpia at buko juice ang naging panawid gutom ni Jomar matapos ang kanyang final interview sa isang kompanya. Hindi niya alam kong paano pagkakasyahin ang perang pabaon ng kanyang ina kaya tiis muna siya. Babawi na lang siya ng kain pagkauwi ng bahay.

Katulad ng dati hindi maganda ang resulta. Siguradong uulanin na naman siya ng sermon pag-uwi. Palibhasa ay malabnaw ang kanyang utak at baluktot mag-english ay hirap siyang makapasa sa mga exams at interviews. Isang taon na siyang graduate pero hindi pa siya nagkaroon ng trabaho. At halos pagsisihan ng kanyang ama ang pagkakatay ng alagang manok na inihanda noong pagtatapos.

Palaging litanya ng kanyang ama ang pagkakaroon ng trabaho ng mga high school graduate sa tuwing di siya papasa sa pag-aapply. Sa bawat masakit na salita lalong bumababa ng kanyang self-esteem. Nabubuo ang gap na tila pader na di matibag sa pagitan niya at ng kanyang ama.

Naisipan ni Jomar na dumaan muna sa kaibigan para magpalipas ng oras. Kailangan niya ng kadamay sa mga ganitong pagkakataon. Isang taong nakakaintindi, susuporta sa kanya sa mga panahong siya ay mahina at nawawalan ng tiwala sa sarili.

"Pareng Jomar, nadalaw ka!" bati ng kaibigan kay Jomar. "Pasok ka!"

"Magpapalipas lang ng oras pareng Budong. Bagsak na naman ako sa apply ko!"

Mula pagkabata ay magkaibigan na si Jomar at Budong. Nagsimula sa kalye ang kanilang samahan pero lumalim dahil halos pareho sila ng pinagdadaanan at madalas talunan.

"Nakakalungkot nga iyan. Anong plano ngayon?"

"Hindi ko alam. Sigurado may sermon na naman ako kay erpat."

Napailing si Budong at hinawakan sa balikat ang kaibigan. "Kung gusto mo dito ka muna para maiwasan mo ang sermon. Magpalamig ka muna." Puno siya ng sensiridad sa sinabi.

"Sira ka ba? Magkapitbahay lang tayo! Parang malaki ang bahay n'yo para di ako makita dito."

"Pasensya na. Iyon lang ang naiisip ko para matulungan ka e. Kaibigan kita kaya ayoko din ng napapagalitan ka."

"Kaibigan ba talaga kita? May gusto sana akong sabihin sa'yo na matagal ko ng gustong gawin."

"Oo naman!" ubod ng lakas na sigaw ni Budong at halos madurog ang buto sa balikat ni Jomar sa tindi ng pagkakahampas niya. "Ano bang gumugulo sa isip mo at baka makatulong ako."

"Gusto ko ng mamatay." Mahina at mababa ang boses ni Jomar.

"Ano?!"

"Gusto ko ng mamatay. Magsuicide. Gusto pa inuulit e!"

"Naloloko ka na ba?!" Inalog ni Budong si Jomar na parang alkansya. "Madaming nagmamahal sa'yo."

"Sino?"

"Si Ally. Mahal na mahal ka niya."

"Break na kami. May iba na siya. Sana huwag mo na akong pigilan."

"Sige baka masabi mo pa akong kill joy e. Pero sa isang kondisyon!"

"Ba't ikaw pa ang may kondisyon?"

"Gumawa ka ng suicide note. Mahirap mapagbintangan. Pirmahan mo na din."

"Alam mo namang mahina ako sa essay e. Tsaka pangit ang penmanship ko!"

"Problema ba iyon? Halika," yaya ni Budong. Binuhay ang computer. Tinapik ang kumukurap-kurap pang monitor. Hinintay komunekta ang sumpunging dial-up internet connection. "Sa google ako naghanap ng cover letter pattern for sure meron ding suicide letter. Iprint natin para readable ang magagawa natin."

"Galing mo! Maasahan ka talaga."

"Kaibigan mo ako e! Kaya handa akong tumulong." May angas pa pagkakabigkas ni Budong na tila okay lang na mamatay ang kaibigan.

Matapos magsearch ay naglabasan ang iba't ibang pattern ng suicide note. May emo, cool, astig at may papansin lang pero di naman nagpakamatay.

"Okay ang isang iyan p're. Samahan mo ng konting english para magandang pakinggan sa tv kung may media na mapapadaan."

"Pasalamatan mo ako sa sulat ha, para may linya ako sa libing mo."

"Sige pare. Ano bang magandang paraan ng suicide?"

"Sleeping pills p're. Overdose. O kaya lason sa daga."

"Hindi ba masama ang lasa nun?"

"Medyo masama siguro pero wala namang side effect. Tsaka wala kang sakit na mararamdaman."

"Goodluck sa akin!"

Nagsimula silang gumawa ng suicide note sa pamamagitan ng pinagtagpi-tagping salita mula sa iba't ibang site. Nilagyan nila ng credits ang pinagkunan nila para di mademanda kung may magreklamo ng plagirism. Ilang sandali pa ay printed na ang suicide note. Dinamihan nila ang kopya para siguradong mababasa kung sakaling malipad ng hangin. Plano nilang ikakapit sa ref, ipapatong sa mesa, ididikit sa toilet bowl at sa lumang salaming nagsasabing ng pinakamagandang babae sa buong pantasya para mapansin agad. Pinirmahan ni Jomar matapos mabasa ang sulat.

"P're ang cool! Lucida Handwriting pa ang font! Astig!"

"Salamat p're sa suporta," maluha-luha pang wika ni Jomar at may bahagya pang pagsilip ng sipon sa bawat singhot. "Pero may isa pang problema. Wala akong pambili ng sleeping pills."

"Patay tayo d'yan. Walang wala din ako ngayon e."

"Magbigti na lang kaya ako? May lubid ka ba d'yan?"

"Meron kaso gamit pa ni bunso sa duyan niya. Yari pati ako kay ermat kapag nalamang wala ng tali ang duyan. Magsaksak ka na lang kaya?"

Napangiwi si Jomar. "Takot ako sa dugo e.."

"Pumikit ka na lang. Kaso wala ang kutsilyo dito. Hiniram ng erpat mo di pa nga sinosoli e."
"Kahit kelan badtrip talaga si erpat!" naasar pang wika ni Jomar.

"So anong plano mo?" Natahimik ang dalawa. Nagpaikot-ikot hanggang mahilo. "Hirap din pala magsuicide."

"Uuwi. Hahayaan ko na lang na si erpat ang makapatay sa akin."

"Magandang idea iyan. Paano itong mga suicide note?"

"Itago mo for future reference. Malay mo kailanganin mo din."

Walang nagawa si Jomar kundi umuwi ng bahay. Inihanda niya ang sarili sa mga sermon na aabutin niya. Pagpasok niya ay agad siyang sinalubong ng ama. Umiling agad si Jomar para ipaalam na bagsak ulit siya.

"Oh anak, kanina ka pa namin hinhintay. Nabanggit ko sa tito mo na wala kang trabaho. Tutal mahilig ka daw sa computer. Kukunin ka daw muna niyang taga-manage ng shop n'ya. Aalis na kasi sila next week papuntang Canada," lahad ng ama ni Jomar pagpasok pa lang niya ng pinto.