Tsapter

Sabado, Oktubre 29, 2011

Ano na nga ba tayo ngayon?

Heto na naman ang bagong isyu ng panahon. Lumalandi na nga ba ang kabataan?

 

         Hindi ka ba nagtataka, na kapag ang isang bagay ay pinauuli-ulit ay nagiging natural na, o ayos na sa moral ng kasalukyan?
         Halimbawa na ang Korupsyon...
       Dahil sa palagiang isyu nito sa ating bansa ay tila isa na itong  parte ng ating pagkapilipino, natural na nga e. At marami ang lumalabas na may kasalanan dito. Isa na Midya na kung saan ay pinag-iinitan din ng mga kapwa midya. Kabilang din syempre ang walang kupas na Teknolohiya, Edukasyon, pangaral ng magulang, at ang indemand sa mata ng mga tamad, ang Gobyerno. At hindi din natin ito kaagad maalis dahil Natural nga e, kaya nga minsan napapaisip ako na habang tumatanda ang mundo ay marami ang namimilosopo...
     
                  "Maraming nagbabago, marami ding ginagago."  
      Yan kasi tayo. Minsan pinipilit natin ang mga bagay na hindi naman nararapat, pinipilit nating gawing tama ang mali, tsaka lalapatan ng malamang rason base sa karanasan o nakamit sa buhay. Pinapamukha natin sa tao na nagawa ko ito dahil gumawa ako ng bago sa mata nyo kahit na mali at may kalabagan sa pagigiging mabuti ng isang tao. 
        
      Sino nga naman ba ako para mag-pangaral sa mga kapwa ko kabataan. E minsan din akong naglandi. Minsan ding akong may ginawang mali. Minsan ko na ring naranasan ang buhay na inakala kong tama. Kasi bunga din ako ng modernisasyon kung saan lahat ng bagay, nagbabago.

Bwahaha...
Ipako sa Krus!!!!