Sa
totoo lang, hindi na talaga ako sanay na sa Barbershop nagpapagupit. Pero dahil
nasa Olongapo ako, at kakaiba ang titig ng mga Baklang manggugupit dito ay
natakot na ako sa pwedeng mangyari (Idagdag mo pa ang pagkatalo ng Pilipinas sa
Miss Universe). Kaya nauwi ako sa dati kong gawi, ang magpagupit sa Barbershop.
Dito sa dating pinagpapagupitan ko noong Hayskul kapag kinultapan ni Sir
Murillo dahil sa mahabang buhok.
So
ayun na nga! Pagkapasok ko, maraming nagpapagupit. Nakapila doon sa tatlong
Barbers, yun yung mga datihan na talagang nanggugupit doon. Sila yung mga beteranong
mabibilis at malaki ang kinikita isang araw! Pero may napansin ako, doon sa
dulo, sa may bakanteng Barber’s Chair ay may nakaupong mama. Pangit sya pero
maganda yung gupit nya. Nung una ang akala ko tambay lang kasi hawak lang ang
Cellphone nya. So nilapitan ko, tinanong ko kung nanggugupit sya. At hindi nga
ako napahiya dahil Barbero nga siya! At tulad nga ng iniisip ko ay baguhan sya
at medyo kulang ang gamit sa panggugupit.
Maraming
pumasok sa isip ko, isa na kung bakit walang nagpapagupit sa kanya gayong
marami namang nagaantay? Nag-isip ako ng mga dahilan;
Dahil
hindi halatang Barbero?
Dahil
mas bata ng higit sa mga kasama nya?
Dahil
Pangit?
Dahil
mukhang mutation ni Smugglaz at Zaito?
Dahil
mukhang Hindi magaling?
O
Dahil Bago lang sya sa Barbers Shop?
Dahil
nga medyo may hinahabol akong oras, ay sa kanya na ako nagpagupit. Huwag lang
mangyari ang iniisp ko na pageeksperementuhan nya ako at hindi pantay na gupit!
Pagkaupo ko medyo nakita kong napatingin yung tatlong beteranong Barbero, nasa
direksyon ko yung tingin nila. Kung hindi nga lang sila nakasuot ng face mask
ay makikita ko ang pagsmirk nila na nagsasabing “Kawawang bata to…”
Kakaupo
ko pa lang ay nakaramdam na ako ng init, yung electric fan pala hindi
nakabukas! Kaiba dun sa tatlong barber na nakatapat pa sa customer yung
bentilador. Medyo naiilang yata sya, kaya naman sibabihan ko na…
“Kuya
pwedeng pabuksan ng electric fan…”
“Ay OO Sori! Nakalimutan ko…” tugon nya na halatang kinakabahan at malalim ang
iniisip.
“Kuya
bawas lang po a, banda dito (itinuro ko yung area na gugupitan nya)…”
“Ahhh…
Ok po…” sabi nya habang inaayos yung kumot na itatali nya sa leeg ko.
Ayoko
naman maintimidate sya at lalong kabahan kaya pumikit na lang ako. Bahala na
sya sa gagawin nya! Walang pisik-pisik ng tubig sa buhok ko ay bigla na lang
nyang ginupitan ang buhok ko. Magaan ang paggupit nya halata ang iwas sa
pagkakamali. Wala pang 2 minuto ay nagsalita yung isang beteranong Barbero.
“Basain
mo muna yung buhok niya para madaling gupitan…”
“Ayyy…
Oo… Saglit lang…” At naramdaman ko ngang medyo binasa nya ang buhok ko. Ayoko
talaga tumingin sa salamin, una ayoko madistract sa kagwapuhan ko at pangalawa
baka magilitan ko sa leeg si Kuya kapag pangit ang pagkakagupit.
Karaniwan,
gumagamit ng Razor yung mga pinapagupitan ko pero si kuya hindi. Dalawang
gunting lang yung ginamit nya sa akin, yung isa parang maysuklay at yung isa
parang gunting na patulis at mahaba.
Mabagal
sya maggupit at medyo maingat sa bawat anggulo ng paggugupitan nya. Magaling
sya, PRAMIS! Minsan lang ako nakapagpagupit ng walang tulong ng Razor.
Pagkaraang ng mga 30 to 45 minuto, tapos na si Kuya! Matagal na iyon para sa
isang gupitan, sobra-sobrang paglalaan ng oras para sa kakarampot na halaga.
Iminulat
ko ang mga mata ko at nakita ang itsura ko sa salamin. Isa lang ang nasabi ko,
PUTEK ANG GWAPO KO!
Magkahalong
paghanga at tuwa ang naramdaman ko kay Kuya. HINDI ko talaga akalain na
magagawa nya yung ganoong bagay lalo na’t walang pumapansin sa kanya. Doon lang
sya sa isang sulok, nag-aantay ng customer at ako naglakas ng loob na bilhin ang
serbisyo nya na pagupitan.
Dahil
nasiyahan ako kay Kuya, binigyan ko sya ng P100. Sobra-sobra na para sa isang
gupitan. Kabayaran ko na din yun sa pagdududa sa kanyang kakayahan. Pagkatapos
ko magbayad ay tinapik ko yung balikat ni kuya, pagpapahiwatig na MAGALING!
MAGALING! Lumabas ako ng Barber Shop na masaya. Nakakatuwa ding malaman na
pagkatapos ko ay may sumunod na tatlong magpapagupit kay Kuya…
Natutunan kong huwag manghusga ayon sa pisikal na itsura, hindi naman yun ang binibili mo kundi yung kakayanan nyang magbigay ng magandang serbisyo ayon sa halaga ng pagkakaunawa mo…
Natutunan kong huwag manghusga ayon sa pisikal na itsura, hindi naman yun ang binibili mo kundi yung kakayanan nyang magbigay ng magandang serbisyo ayon sa halaga ng pagkakaunawa mo…
Matatagpuan
yung Barber Shop sa Rizal St., Barretto, Olongapo City. Malapit sa Palengke,
hindi ko alam yung pangalan e, madali lang naman mahanap yun lalo na kung
magtatanong ka…
BUWAHAHA…
IpakoSaKrus!
IpakoSaKrus!