"Natuwa ang Diyos kaya't gumawa ng KAIBIGAN. Nainggit ang ang Demonyo kaya't gumawa ng KAMAG-ANAK." ~IpakosaKrus
Ang blog na sasagot sa natutulog mong isipan, at papako sa iyong kamangmangan. Ipako ka sa Krus!!!
Linggo, Enero 1, 2012
LongKOWTS
Sabado, Disyembre 31, 2011
Anong favorite line mo sa 2011?
Patapos na naman ang taong 2011 at ito ang tanong: ANO ang nabago ng 2011 sa buhay mo? Sa pisikal ba, mentalidad, kaalaman, personalidad at pakikiitungo na pinag-igiran mong matupad bago pa man matapos ang butihing taon. Sa kabilang banda, ano ang mga linyang ginawa mong inspirasyon para pagpursigihan ang mga gawainng pagbabago sa iyo (kung meron man). Sigurado ako meron yan! Halimabawa marami sa iyong ang nagsasabing pangit ka. Dahil dun ay nagpursige kang i-edit sa computer mo para mapaputi at maalis ang mga signs ng kabalahuraan mo!
Pero sa akin, siguro ito ang mga nagpabago sa mga kademonyohan ko nitong taon (sa iba't ibang aspeto).
"Midan, you are the greatest writer I've ever seen." Char!
"IMBA ka Midan!" with matching meow.
"Wala kang katulad Midan! Idol talaga kita!" tapos teary eye kuno (sign of appreciation lang).
"Not now but maybe tomorrow, your wisdom (huh?) will be a countless admiration for others." Ikaw na! Huhuhu...
"Midan, ikaw na talaga ang buhay na kristo!" Wehhh...
"Pagkasama kita para akong nilalabasan, Pramis!" Ilang sapak gusto mong hayop ka huh?
".............." *&%&%#$*&% ka rin! haha!
".............." *&%&%#$*&% ka rin! haha!
Madami pa yan, too much to mention kasi nakakalaki lang ng ulo ko. At take note a, lahat ng iyan ay true story sa buhay ko. Galing din sa kung sino-sinong tao na may malaking handog sa aking pagbabago. Sa akin pa lang yan! E pano pa ang sa iyo na dahil sa dinami-daming pinagbabago mo araw-araw ay hindi mo napapansin sa paniniwalang WALA.
At kung linya din man lang ang paguusapan, ay hindi nagpapahuli ang mga tao ng ating industriya. Ang Channel 2 at 7 na may sarisariling pakulong linya. Tulad nung "100 days to heaven" na ilang one hundred na araw ang binilang ko na "KUHA MO?!" na isang araw pa lang ay kabikabila na ang pagsikat, isama pa ang sa mga katext mong Jejemon. Ganito rin ang pinausong linya ng sa 7 na pinakalolokohan ng mga kabataan. Pati na nga senador ay nakikisali sa mga pick-up line para pangaralan ang tao sa kung anong tamang paniniwala nya. Isa din ang pinauusong pambara ni Vice Ganda, ma patok sa eklavung ekek. At ang kung anu-anong ekspresyon ng kung sino-sino dahil sa paglala ng virus ng pagkamalikhain...
Kaya nga saludo ako sa mga may Originality!!
Kaya nga saludo ako sa mga may Originality!!
Sa huli, lahat ng ito pinagbabago ng tao hindi lang tuwing pagkatapos ng taon kundi bawat pagtatapos ng araw. Dahil sa mga linyang ito dito nahubog ang tama at masiyang pakikisalamuha kahit na iba na ang dating sa iba. Ilan dito ay ginamit ko. At alam ko kayo din ay gumamit nito sa barkada, karelasyon, at kung sino-sinong katext na tinext din sa iba.
Kaya ito ang huli kong linya sa araw ng 2011, "Isang masaganang taon sa ating lahat! Ihinihilinh ko sa poong may kapal ang ikakabuti ninyo at inyong pamilya sa pagpasok ng butihing taon!"
Bwahaha...
Ipakosakrus!
Bwahaha...
Ipakosakrus!
Linggo, Nobyembre 20, 2011
Bahala na...
Nakumpirama na! Wala na talagang lunas sa sakit na ito. At ito ay hindi na talaga maiaalis sa pagkaPilipino. Kaya minsan ay kinapayanam ko ang sikat na may bahala na syndrome. At ito ang aming napag-usapan ukol sa isang estudyante:
Sabado, Nobyembre 12, 2011
LongKOWTS
"Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit hindi tayo nagtitiwala sa isang tao. Una, Hindi natin sila Kilala. Pangalawa, Dahil kilala na natin sila." ~IpakosaKrus!!
LongKOWTS
"Maraming bagay ang nasasayang dahil sa mga biglaang desisyon. Marami ding tao ang nagsisisi sa maling aksyon. At mas maraming nanghihinayang dala lang ng emosyon sa mga panahong mas nangingibabaw ang lungkot at maling interpretasyon." ~IpakosaKrus!
Linggo, Oktubre 30, 2011
Search for the International Sand Artist...
Madami ang nangarap at sumubok, ngunit pili lang ang nakatanggap ng oportunidad para makasali sa ganito uri ng patimpalak, ang Pakabogan ng Sand Art.
Ito ang limang pinalad na makasali:
Ito ang limang pinalad na makasali:
1. "Death" ni Hudson Seinna
2. "Circles" ni Jim Denevan
3. "Firey" ni Peter Donnelly
4. "Joy" ni Sharon Blance
At ang pinagmamalaki ng...
Ang "Firey Death in the Circles of Joy"
Bwahaha...
Ipako sa Krus!!!
Ipako sa Krus!!!
Sabado, Oktubre 29, 2011
Ano na nga ba tayo ngayon?
Heto na naman ang bagong isyu ng panahon. Lumalandi na nga ba ang kabataan?
Hindi ka ba nagtataka, na kapag ang isang bagay ay pinauuli-ulit ay nagiging natural na, o ayos na sa moral ng kasalukyan?
Halimbawa na ang Korupsyon...
Dahil sa palagiang isyu nito sa ating bansa ay tila isa na itong parte ng ating pagkapilipino, natural na nga e. At marami ang lumalabas na may kasalanan dito. Isa na Midya na kung saan ay pinag-iinitan din ng mga kapwa midya. Kabilang din syempre ang walang kupas na Teknolohiya, Edukasyon, pangaral ng magulang, at ang indemand sa mata ng mga tamad, ang Gobyerno. At hindi din natin ito kaagad maalis dahil Natural nga e, kaya nga minsan napapaisip ako na habang tumatanda ang mundo ay marami ang namimilosopo...
"Maraming nagbabago, marami ding ginagago."
Yan kasi tayo. Minsan pinipilit natin ang mga bagay na hindi naman nararapat, pinipilit nating gawing tama ang mali, tsaka lalapatan ng malamang rason base sa karanasan o nakamit sa buhay. Pinapamukha natin sa tao na nagawa ko ito dahil gumawa ako ng bago sa mata nyo kahit na mali at may kalabagan sa pagigiging mabuti ng isang tao.
Sino nga naman ba ako para mag-pangaral sa mga kapwa ko kabataan. E minsan din akong naglandi. Minsan ding akong may ginawang mali. Minsan ko na ring naranasan ang buhay na inakala kong tama. Kasi bunga din ako ng modernisasyon kung saan lahat ng bagay, nagbabago.
Bwahaha...
Ipako sa Krus!!!!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)




