Tsapter

Martes, Setyembre 17, 2013

Saan madodownload ang lahat ng LEAKAGE SEX VIDEO ng mga artista?

Hmmmm...

Alam na!
MALIBOG!
HAMBOG!
JUMBO HOTDOG!
NGAYO'Y MABLOBLOG! (Ulit)
BUWAHAHA...

Kitam? Sabi ko na e, basta sex video madali nating pagpiyestahan. Parang kainan na ang sarap pagsalu-saluhan. Minsan hindi pa kuntento, ishashare at itatag pa hanggang sa maging laman na ng mga bluetooth. Ang tanong, ganyan na ba tayo kabihasang mamahiya ng tao? Ang dali diba? Parang ganto lang yan e, may alam ka pero wala kang ALAM!

Alam mo namang ang gagawin mo (pagpapakalat) ay makakasira ng reputasyon ng naturang tao, pero ginawa mo pa din. Ang hindi mo ALAM ay kung anong hudas ang sumapi sa naturang tao para ivideo pa yung sex scene nila! KALIBUGAN nga naman! Ang mahirap lang kasing tanggapin ay yung pagigingPROUD pa ng iba sa pagkakaroon nito. Kamakailan may narinig akong usapan sa isang pampublikong banyo:

"Ui, dre may Bayola ka ba dyan?" Sabi nung nakaunipormeng lalaki.

"Naman! Ako pa, updated yata lagi ako dyan. Hindi mo pa napapanuod?" Tugon nung isa.

"Hindi pa e, pabluetooth naman." Libog-libog din pag may  time diba?

"Sige, tapusin ko lang ito... (Umiihi)" Sige ipush pa yan!

And the rest is HISTORY...

HINDI BA SILA NATATAKOT?
HINDI KA BA NATATAKOT?

Ako, napanuod ko ang video. Mali na yun, pero hindi ko na dadagdagan ang kamalian ko sa pagpapakalat pa nito. Nakakatakot lalo na't ngayon nabubuhay tayo sa mundo kung saan lahat  ng bagay ay maikokonsiderang birtwal. Hindi ko inisip kung bakit vinideo pa yun, LIBOG kasi e! Walang pinipiling eded o estado sa buhay. Sakit na ito ng tao, madalas nga kung sino pa ang karesperespeto yun pa ay may itinatagong KALIBUGAN. Kaya wala kang KARAPATANG MAGMALINIS! Pinatasan mo ang Video kung MALINIS kang TAO! MATAKOT ka! PArang ganto GRRrrrrRRr...

Higit pa sa pangmomolestya at pakikipagthreesome sa kanila kapag nagNET ka lang ngayon para sa hayok mong libido. Ika nga sa isang reserts, 96% ng tao (karamihan ay lalaki) ay nakapagbrowse na ng isang porn site. Natural na kasi. Oo, ang isang bagay na inuulit-ulit ay nagiging natural na sa lipunan. Nagsimula sa CURIOSITY hanggang sa maging AUTOMATIC na sa kaisipan nating mga tao...

Kung saan madodownload lahat ng video lahat ng SEX video ng mga artista, ito ang mga link...

www.magbagokana.com
www.huwagkangmalibog.com
www.isipinmosarilimobagokamagnet.com
www.magingmapagmasid.com
www.maramingbagaypaangdapatmongmalamandahilsamundongitoangpakikipagkapwataoaynasusukatsapagiisipngikakabutingiba.com


BUWAHAHA...
~IpakosaKrus!

Martes, Mayo 7, 2013

Kailan yayaman ang Pinas?

Aba'y malay ko ba!
Hindi ko nga alam kung yayaman ba talaga ang Pilipinas o hihirap pa ng lalo dahil sa maraming nangyayaring kung anong anik-anik sa araw-araw-araw (kasama na dyan ang mainit na araw). Hay...
Minsan nga parang nakakasawa nang magbasa sa TV, makinig sa Dyaryo at manuod ng Radyo e. Paano kasi, kung ano-ano na ang ibinabalita. Minsan inuuna pa ang maraming problema ng ibang bansa kesa sarili nating problema. Tingnan mo ngayong Mayo, Eleksyon. Pero marami pa din ang nanunuod ng mga telenobela, nagsayaw ng Gentlemen tapos ipopost sa YouTube, magpilit MagGiyomi kahit puno ng tigyawat ang mukha at kumain ng halo-halong may pinipig.
Diba?
NAKAKASAWA kasi! As in! BORING ang eleksyon!
Mas pipiliin kasi na magliwaliw (Oo, naman no. Summer kaya!). Pero hindi ba dapat ay alerto pa din tayo sa mga nangyayari? Tulad na lang ng Sabong este Eleksyon, nakakarinding pakinggan ang payabangan at paramihan ng kasinungalingan ng mga tumatakbo. Kanya-kanyang pakulo ng kagaguhan. Tayo naman, nagsasaya. Parang mga natutuwang demonyo sa nagaaway na kandedato. May palakpakan epek pa, kala mo totoo! WooOooo! Tsaka na magdedeliryo kapag nagsuntukan na ang mga nasa entablado! Pero Boring talaga. BORING!
Buwahaha...
Maiba tayo tungkol naman sa pag-unlad since ito yung tapik ko...
MATATALINO naman tayong mga Pinoy e, pramis! Maparaan tayo para kumita. Kung tutuusin 99% ng genius sa mundo ay galing Pilipinas (pwede nating sabihing may lahing Pinoy). Ang kaso, ginagamit natin ang ating katalinuhan sa pansariling interes. Nanlalamang tayo at minsan NAGNANAKAW. Kaya naisip ko, tama yung sinabi nung katrabaho ko:

"Oo, matatalino tayo. Madiskarte tayo para kumita ng pera. Pero dapat sarili ko muna ang payayamanin ko, tsaka na ang Pilipinas." 

Yan tayo e!

Hmmmm...
Kailan nga kaya yayaman ang Pilipina?
~IpakosaKrus!


P.S

Bwahaha...
Nakakamiss pala talaga ang magblog. Medyo matagal bago ako magpost ng panibago, busy kasi sa WORK (Choz!). Pero OO, busy talaga ako. Nakakapagod pala ang magtrabaho, lalo na Pisikal na gawain ang mga ginagawa mo. Share ko nga minsan ang mga nakakatuwang experience ko sa work. Madami yun. Pero stay put lang. Konti na lang at araw-araw na akong magbloblog.

Salamat!

Lunes, Marso 11, 2013

Ang Blog na napabayaan...


Tadaa...
Heto't ako, nagbabalik mula sa kumunoy ng KABUSYhan. Nasanay kasi na maraming ginagawa kaya ni paglagay ng tuldok sa Blog ay hindi pa magawa. TAMAD! Pero ayos lang naman, kahit busy, nagiging epektibo pa naman dahil bukod sa lumalagong isipan, e tumatalas ang ang kaalaman sa kawalan. 
Aba't mantakin mo, sa dami ng aking ginagawa (Pag-aaral, Pagtratrabaho, at Pagkain) ay naisisingit ko pa din ang pagbloblog. Kaya nga ito ang masasabi ko, ang BLOG na ito ay "ang Napabayaang Blog."
Bakit? 
Wala lang, itanong mo sa pagong!
Well, well...
Ang daming isyu ngayon, ang sarap isa-isahing talakayin pero iniisip ko, huwag na lang at baka pagbantaan akong bigyang ng talkshow at tuluyan ko na itong kalimutan, Ang Blog na Napabayaan. TAMAD!
Oo, tamad talaga ako, hindi ko din ba alam. kung bakit. 
Sige, ganito na lang. MAgkukuwento ako, kaso huwag na lang. Madami kasi at nakakatamad magkuwento. Hmmmm...
Sige na nga, at ako'y inaantok na, Actually tinatamad pa ako matulog, tinatamad din ako magtype. Hay...
Sige bahala na ako kung tatamarin sa Blog na napabayaan. Pero ito ang catch ko, babalik ako sa takdang panahon!
Bwahaha....
BUWAHAHA... (with matching ngising aso)


~IpakosaKrus!

Sabado, Disyembre 29, 2012

Babala sa Bagong taon!

Dahil alam kong sawang-sawa na kayo at manhid na ang mga mata nyo sa mga imahen ng mga putol na daliri sanhi ng paputok, heto ang isang mas kahindik-hindik na larawan ng mga naputukan. Magsilbi sana itong BABALA para sa mas ligtas na bagong taon!

Bwahaha...
IpakosaKrus!


Maligayang Bati!

Isang Masaya at Masaganang Pasko nga pala sa mga tagasubaybay ng blog na ito, gayon din ng Mapagpalang pagpasok ng bagong taon. Hiling ko sa inyong lahat ang ikakabuti, ikakalusog, ikakatalino, ikakaswerte, ikakapanalo, ikakawish come true, ikakapromote, ikakapasa sa kung ano mang exam, ikakagalak, ikakalibog, ikakabaliw at ikakayaman ninyo (pabalato na lang). At syempre sa mga mamamatay nitong taong 2013, advance Happy Condolence na lang...
Sana ay patuloy tayong magbasa at paunlarin ang sarili gamit ang Filipino at pagiging Pilipino bilang sandata sa mapaniil na mundo...
Bwahaha...
~IpakosaKrus!

Miyerkules, Nobyembre 21, 2012

Miliminas: Taong 0069

 (Sanaysay / Hiligaynon)
Salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula sa
“Miliminas : Tuig 0069” ni Nilo Par. Pamonag

Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng mga pulo ay binubuo ng higit sa pitong libo at dalawang daang mga pulo.
Ang Miliminas, ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing kapuluan, ay katulad rin natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay tulad rin sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali sila at pagsasalita na kabila rin sa atin.
Mik ang tawag sa kanilang pera. At ang tawag nila sa isang taong mayroong isang milyon na mik, o sobra pa, ay mikinaryo. Sa pagbibihis, malaki ang pagkakaiba natin sa kanila. Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas sa atin ngayon ng bathing suitat kamiseta at korto para naman sa mga lalaki.
Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinapatupad na hulihin ang sinumang magdaramit ng mahaba pa sa mini-skirt at micro-mini-skirt.
Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang Public Diservice Commission na equality before the kilo.
Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not overspeeding.
Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag nanawasdak. Ang ahensyang ito ay may tatlong uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan ng maruming tubig; at ang ikatlo, walang tubig kundi hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng quatwasdak *, ang gripo na may malinis na tubig ay mahal ang bayad, para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad.
Mayroon ding nagmomonopolyo ng koryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo rin ang ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito anglight service, brown out service at black out service. Ang light service ay magbibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang brown out service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mo ng ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong black out service.
Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng mga kuwartu-kuwarto na kung sa atin ngayon ng mga bazaar sa mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mgabazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk.
Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution,genuine na mga batas, at iba pa.
Upang mapagkatiwalaan ang mga mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na genuine, tulad nggenuine na resolutions, genuine na pera, genuine na batas, at iba pa.
Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na super blackmarket. May pintura itong itim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng blusil na sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mga genuine na bagay ay ipinagbibili nang patago at tigkakaunti lamang dahil lagging hinuhuli ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang kanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian.
Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari ng lisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salangillegal possession of genuine firearm.
Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating tinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga mataas na opisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa pagpili ng isang outstanding buwaya of the year.
Dalawang klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang batasan na tinatawag na Circus of Miliminas. Ang isang batas ay para sa mga mayaman at ang isa ay para sa mahirap.
Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang kanilang maaaring gastusing representasyon.
Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito nilang mga santo – ang mik (ang pera mismo), angbuwaya, at si Santasa, isang taong may sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalaking kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-angkin sa yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay ng ano mang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa.
Ang mga malaking transaksyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ng puno, at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ng mga mesa ng mga opisyal na pamahalaan. Dahil dito ang mga mesa ay matataas para hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito.
Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues depaupas. Parang nakakatawa, ano? Pero iyan ang katotohanan. At isa pang nakakataka, ang ginuguwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang pamamalakad ng hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung sinu-sino sa mga mamamayan ang palaaway at eskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos ng bista at bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala upang ihiwalay sa maraming mga nakalalayang masasamang tao. Sabihin pa, malalaki ang bilangguan dito at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay tinatawag na VIP (Very Important Prisoner).
Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa ng kampanya magkakaharap ng entablado ng magkakakalaban sa pulitika. Nagbabatuhan ng putik. Sa atin ngayon angmudslinging ay pasaring lamang sa mga talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapat magsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi matutupad, dahil kung hindi niya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyang kandidatura ng Komisyon ng Kalokohan, ang ahensya na namamahala sa eleksyon. Sa araw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nila pinag-iisipan. Ang iniisip nila ay ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatay ng kanilang mga kampon, at may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto ay tinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota.
Ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay at pumatay sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang magdadala sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang maligaya kasama siSantasa, ang kanilang paboritong santo.
Ang eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na madaling maubos ang mga mamamayan rito kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon. Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw (ito ang tawag nila sa kanilang mga henyo) na nakabuo ng isang tableta na kung iinumin ng mag-asawa ay magkakaanak ang babae ng tinatawag na instant baby, na ipinagbubuntis sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras.
Napakadali ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa Miliminas. Patuloy din ang pag-iral ng mga bayang kontento na sa klase ng pamamalakad dito na sa ngayong panahon ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki pa ng mga mataas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamamayan. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang magigitng na tumanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraang administrasyon. At sino ang kanilang pinatutungkulan? Ang pinatutungkulan nila ng mga papuri ay ang mga ismagler, mga namomorsiyento, mga kickback artist, mga mayaman na nang-aapi sa mga mahirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak (piskal) na hindi tumitingin sa kislap ng espada ng katarungan, at timbangan ng katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman.
Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon ay masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe, ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho.
May ilang kabataan na malawak ang pag-iisip na tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag nila ang kaibhan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang kanilang prinsipyo ay humihingi ng isang klase ng pag-uugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit nang lumaon ay dumami na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan na tinawag nilang dungis ng lipunan.
Ang simpatiya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawal sa kalayaan ng mga ito, at nang lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng mga may katungkulan. Sumiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapauluan ng Miliminas.
Bilang parusa sa kanila ng kanilang diyos na si Santasa, dumating ang isang malaking baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan.

Hay...
Ang sarap talaga balik-balikan ang mga paborito kong likhang literatura. Tunay ngang SALAMIN ng ating lipunan at makabuluhang anyo ng ating kamangmangan. SALAMAT dito Sir!
Ipako ka sa Krus!

Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Kophayan

       Nakakabasag na katahimikan…
       Lahat kami…
    Kaming mga estudyante… ay parang mga locker na pininid sa isang buong sembreak. Walang imik. Walang ingay. Walang kalampag. Dumating na SIYA, teacher namin, unang major exam. Major exam galing sa teacher na ayaw namin. Makikita mo ang kanyang mukhang parang ulan na maitim pa sa kalangitan. Aabangan mo ang bawat kulog at kidlat na mula sa kanya ay lalabas. Inilapag ng teacher ko ang gamit niya sa ibabaw ng lamesa sa harap. Kinuha ang kanyang eraser sa kanyang kulay pink na bag at binura ang malaking “I love you sir” sa harap ng blackboard. Maaninag mo na bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Nagkatinginan na lang kami ng mga klasmeyt ko. May ibang napangiwi, ngiting nakakakiliti. May ibang seryoso, sinenyas ang kamay na nagsasabing LAGOT KAYO.
     Nanatiling parang mga pipi ang buong klase. Maririnig mo ang bawat paghinga ng bawat isa. May pigil, may bagot, may excited.
     "You have one and a half hour to answer the questions. Superimpositions, erasures nor markings are allowed in your examination. Otherwise, it is considered incorrect. Get one and pass!"
        Sabi niya habang bahagyang nakayuko ang kanyang ulo para makita kami dahil hinahabol niya ang napakakapal niyang salamin na hinihila ng lupa. Marahil ng impyerno. Ipinasa na ang papel, ang iba’y kinakabahan, ang iba’y pawisang ipinasa ang papel, iba’y mali ang pinagpasahan, nagmamadali, masyadong mabagal.
       “CHEATING is NOT ALLOWED “
Isang mariing boses ang narinig namin. Isang katagang paulit-ulit na naming narinig, mula elementary hanggang hayskul. Nakakasawa.
     "You may now begin."
    Para kaming mga robot at sabay-sabay na yumuko at isa-isang kinuha at hinayaang lawayan ng tinta ang aming mga papel. Iba-ibang posisyon, iba-ibang yuko, iba’y nakatingin sa kisame na parang may inaasahang sagot mula sa kalangitan o guguhit sa sementong naaninagan ng mga ilaw. Umiikot si Ma'am, parang ahas na handang tumuklaw basta may kumibot at gumalaw. Lahat ay parang mga batang takot na takot sa halimaw na sa gabi’y nanakot sa ilalim ng kanilang kama sa pagtulog, nakatalukbong.
       “Tok, tok, tok!!! Maam, pinapatawag ho kayo sa office ng Dean. Ako na ho muna daw ang magbabantay."
     Dinig namin sa isang pamilyar na boses mula sa bukana ng kwarto. Sabay-sabay na inangat ang ulo.
       Si sir!! Ang taong paborito ng mga estudyante. Ang taong tinutukoy sa nakasulat na I LOVE YOU sa pisara.
           Siya ang magbabantay? Siya na?
     "Aalis muna ako. Si Sir niyo ang magbabantay. I expect you to behave yourselves. Intiende?"
         Lahat ng mga nakakunot noo ay bumanat, sabay ang pagsilip ng mga munting ngipin sa bintana ng labi.
        “Nakakatuwa si sir ang magbabantay “  bulong ng isa.
        “Inspired na ako “- habol nung isa.
        Hagikgikan ang mga estudyante - parang mga paniking tuwang-tuwa na lumubog na ang araw. Umupo si sir…
         “Tuloy niyo na ang exam niyo"
        Sabi niya habang umaalis ang tinuring naming diyablo. At isang anghel para sa amin ang nagbabantay. Tahimik ang lahat. Hindi alam ang gagawin. Pero ang iba’y nakahanap ng pagkakataon. Eto na! Ang mga lalake sa likod, ang samahang puro semi-kalbo. Parang mga fishballs na nagkakagulo sa kalan kahit na nasa gitna ng kumukulong mantika.
        "Anong number 38?" isang bulong.
        "A ba or C?" sabi ng isa.
        "Anong formula?" tuloy ng isa.
        "Oo."
        "C-C-B-D-A."
     Parang nasa gitna ako ng subastahan. Ang mga kaklase ko parang mga bubuyog na nagaagawan ng nektar ng pagkakataon. Ang iba’y may pinapasa, papel, maliit at medyo lukot-lukot. Kodigo o on the spot na ginawa? ayaw ko nang alamin basta ang alam ko, isang pandaraya. Ang crush kong classmate nagtatanong sa basketball player naming classmate. Nakakaturn-off. Ngunit nagulat ako ng may sumipa sa aking upuan. Bahagya akong nagulat.
        "Number 45 tol?"
        Ha? hindi ko maintindihan. Hindi ba sila nag-aral? Bakit kailangan nilang gawin to? Parang di ko alam ang gagawin ko kung sasagutin ko ang tanong ng kamag-aral ko. Para akong silab na binuhusan ng yelo. Natutunaw. Natatakot. Para akong batang naghahanap ng pagsusumbungan dahil may nang-aaway. Napaikot ang aking ulo at parang nakita ko ang buong kwarto sa isang tinginan. Isang pikit lang. Ang mga grupong matatalino buong higpit nilang tinatakpan ang mga papel nilang parang paninda sa palengke na tinataboy ang mga langaw na nagnanais na dumapo. Ang mga langaw naman ang mga nagkokopyahan, akmang naghihintay ng mumo kahit na sa ilalim ng lamesa.
             Ano ang gagawin ko? Hindi ba nila na ang mga mata ng mga anghel na itinuring nila, si SIR ay nakamasid lang sa kanila. Nakangiting mga matang parang hindi alam sumimangot. Inaabuso ba namin siya o sadyang hinahayaan niya lang kami? Kinukonsinte o sinusulat niya na ang mga nagkokpyahan parang nung elementary kami at isusumbong sa teacher namin? Nakapagtataka. Tuloy pa rin ako sa pagsagot ko sa mga tanong…
            Alam ko ang mga sagot…
            Nag-aral ako. Alam ko mataas ang makukuha ko.
            SHHHHHH...
          Isang sutsot ni sir. Nagbabala na siya. Lumalakas na kasi ang kaninang bulungan. May mga umubo-ubo, may sumisingot. Nalalaglag na calculator at ballpen. Meron ding mga nakatagong mga salita. Bakit kultura na to na hindi mabura sa pagiging estudyante. Marahil sa pagiging tao. Bakit hindi natin maalis ang mandaya, ang manlamang, ang magkamali? Sadya ba o kailangan lang ng pagkakataon? Basta ako nag-aral… Kaya kong sagutan ang lahat ng tao.
           Number 88 na ako…
           Sigurado papasa na ako.
           89…90…91…92….93…
     Hindi ko to nabasa?! Hindi ko inaral…Nakatulog ako…Hindi ko to napaxerox…Nakalimutan ko to i-note…absent ba ako nito? Hindi to tinuro ni Ma’am!
Ang daming dahilan ang pumapasok sa aking isipian kung bakit hindi ko mabilugan ang mga letra sa sagutang papel ko. Anong gagawin ko. Namumutla ako.Mataas dapat ang makuha ko kasi nagaral ako, marunong ako, matalino ako! Napaka-grade conscious ko. Kailangang mataas ang makuha ko. Pero sayad na ang utak ko. Piga na at wala nang katas na lumalabas kahit anong pilit kong piga. Magtatanong ba ako sa katabi ko? Mangongopya? sisirain ko ba ang prinsipyo ko? ayoko! Lumakas ang tibok ng puso ko.
           "10 minutes more" sabi ni sir.
           Para akong tinaningan ng buhay. Nang biglang...
        "Letter C. Yan yung tinuro ni Ma’am." Boses na parang nagbigay liwanag sa daan kong napakadilim.
           Boses ng katabi ko. Katabi kong tinuring kong mahina. Bobo. Tama siya at yun lang ang kailangan ko para maalala lahat. Napakadali ng mga tanong. Naalala ko. Walang nag-aatubiling dumura ang aking mga pluma sa papel at napakabilis kong nasagutan ang aking papel. Pero naisip ko isa na ako sa kanila. Nangopya, nandaya.
           Ganun ba?
           Ganun nga… Tol, number 75 naman, tanong niya.
          Parang walang pag-aatubili kong sinagot.
          "C tol. C!?"
          Napangiti siya. Samantalang ako, gulat sa nangyari. Pero ang gaan ng pakiramdam. Eto nga siguro ang totoong pagiging estudyante. Napatingin ako sa teacher namin. Ngumiti lang siya. Parang napahiya ako. Namula. Pero taas-noo ko tong haharapin. Minsan man sa buhay ko naramdaman ko na eto nga talaga ang buhay-estudyante, paglalakbay bilang isang ESTUDYNTE. Hindi ko alam kung eto ba ay pakikisama, pang-aabuso, pagkakasala, pagiging mapagbigay, pagbibigay ng karunungan, paghahambog, pagpapakababa, pagiging isa sa kanila, pagiging tao.
        Ipinasa ko na ang aking papel. Tinignan kung lahat ng mga numero ay may kanya-kanyang sagot. Lahat may sagot. Oo, kasi matalino ako. Matalino rin sa ibat-ibang paraan. Matalino ngunit isa pa ring estudyante. May pusong estudyante. May gawaing estudyante. Hindi ito marahil ang una at huli. May darating pa. Kasi eto ang buhay estudyante... Parte nito ang buhay KOPYAHAN.
Opisyal na lahok para sa 2012 Saranggola Blog Awards. www.saranggolablogawards.com/