Tsapter

Huwebes, Abril 12, 2012

Uso pa ba ang Sportmanship?

Kapag natatalo ka anong nararamdaman mo?

Yung feeling mo na dinaya, inalipusta, minolestya, at pinagsamantalahan ang iyong kahinaan (in short maRASON, maDAHILAN o maTECHIE). Totoo naman kasi, masakit kapag natalo, at maituring na ISANG MALAKING HUNGHANGAN, WEAK! Ang laki din kasi ng epekto nito sa pagkatao (as in sagad to the bones) kasi lahat na ginawa mo para maipanalo ang laban. Pero may sinasabi ang iba  "Tanggapin na lang, maging isports." Kalokohan! Nga-nga ka muna! Mahirap paniwalaan ang sarili lalo na't nararamdaman ang kalaban mo. Maging totoo ka, na kapag natatalo ka iniisip mo DINAYA ka!

Ayon nga sa BATAS PILIPINO Republic (na inimbento ko ngayon-ngayon lang at ipopost ko din sa oras na matapos ko na) ay ito ang nakasaad:
     BATAS Pilipino Republic Article I: Damdamin at PagkamakaPILIpino; Section 1

Section 1: Walang sino man sa Pilipino ang natatalo, may mga dinadaya kaya lahat panalo at dapat manalo. Sa ugaling gago may kani-kaniyang rasong dapat ibinubulalas upang mapatunayan/maipakita na dinaya. Karapatan ng bawat Pilipino na magsalita dahil karapatan din ng lahat na magreklamo.

Tulad na lamang ng mga kabataan na palaging laman ng computer shop, yung mga mahilig magDOTA o sige pati magCOUNTER. Grabi kasi sila minsan makareact, as in! Sigawan kung sigawan. Merong mga reklamador na keso sira ang ano, mahirap yun ano, naghahang(naglalag) yung ano, at kung anu-ano pa. Meron din yung hindi makuntento sa cubicle na ibinigay sa kanya, isinisisi pa yung masikip na lugar. Minsan nakakabwisit, minsan nakakatuwa. Para lang hindi maipakita sa kalaban yung tinatagong kahinaan. Tipikal yan, maraming ganyan kasi sila-sila nag-gagaguhan dahil ayaw pang ipaalam ang pagkalambot ng isa’t-isa. 

Kung susumahin, ang mga kalalakihan ang kadalasang may pag-uugaling ganto (syempre’t tayo ang palaging naglalaro at laman ng shop), natatakot sa mga bagay kung saan sila kikilalaning mahina. Mapride kasi yung iba (mahirap sabihing lahat), yun yung tipong patol dito patol doon, dahil kung hindi naman mababansagang BAKLA! Pero ito lang ang masasabi, BAKLA ka kung ayaw mong tanggapin na may pagkakamali at kahinaan ka. Mas bakla ka pa sa kabayong si Vice Ganda.

Napapansin ko din kasi kung minsan kapag natalo, bumagsak, mababa ang iskor sa eksam, sa kahit anong bagay, may dahilan ang lahat. Kasi hindi pa nila matanggap, mahirap nga naman kasi  lalo na’t nasa gitna ka ng iyong mga friendship at mga tropa. Nakakahiya! Pero ayon sa pagkakaalam ko ang tunay na kaibigan tanggap ang lhat sa iyo kahit na baho ng hininga mo. Ikaw lang talaga ang nahihiya, o nababakla. 

Kaya kapag natalo, huwag nang magpahumble effect, alam ko na sa kaibuturan ng iyong puso nagwawala ka, nanlulumo sa premyo, nanghihinayang sa karangalan. Kasi nga ganiyan tayo pinalaki sa mundo, walang salitang Ispotmanship sa ating Bokabularyo. Tanggapin na natin na minsan, asar-talo tayong mga Pilipino. 


Bwahaha…
IpakosaKrus!

P.S

Ang sarap ng pagdiriwang ko ng Mahal na Araw. As usual, nagpapako ulit ako sa Krus na kahit pagod sa buong linggo, ay Masaya at  Makabuluhan. Kinumpleto ko lahat ng misa at first time ito! Feeling ko tuloy wala akong kasalanan. Pinakagusto ko ay yung paghihilamos ko sa Araw ng paghuhugas ng mga paa. Hay… ang sarap sariwain.

Miyerkules, Abril 4, 2012

Kung bakit ka nagrereklamo...

Bakit ka nag-aral, nagtratrabaho, humihinga, natutulog, nagsisinungaling, at natatakot? Bakit ka nagwawala, naglulupasay, nakikipagaway, nag-iingay, nagrarally sa kasalukuyang sistema ng bansa, ng bayan, ng lipunan?

Yun ay dahil may pang-unawa ka. Pang-unawang tanging ikaw lang ang nagtataglay, yung sinasabi nilang UNIQUENESS? At ito ang nagiging lamang ng mga taong nakakahigit sa iyo. Minsan kasi kailangan nating kilalanin ang sarili gamit ang sinasabi ng iba. Dahil dito tayo lumalago, natututo at napupunan ang kamangmangan (KATANGAHAN ba) sa bagay-bagay. Kaya nga kung may dapat ka pang baguhin at ipagkahulugan yun ay ang iyong sarili. Ika nga “Take others opinion as an advice and not a crirticism,” wala nang iba pa! (Kumontra pangil sa pwet!)

Kung lahat ng reklamo mo sa buhay ay ibibintang mo na lang sa lipunan, ano na lang ang pinagkaiba mo sa mga taong nasiraan ng bait (Actually parang mas mababait pa sila kasi ibang planeta ang pinoproblema nila). Habang tumatagal kasi nakakaisip ng magandang paraan ang tao para mapagtakpan ang mali at punan ng rasong tama sa pamaraang hindi gaanong nakakasama. Magulo? Oo, kasi hindi mo iniintindi (Hala sige, basa ulit!). Doon nanganak ang salitang pakikisama. Pakikisama na sa kasalukuyan ay tila nag-iiba ang kahulugan. Eksakto! At isa lang ang mensahe ko, “Huwag kang makisama kung alam mo namang may mali, HUWAG KANG MANGMANG!” Alam ko alam mo ang tama dahil UNIQUE ka sa sarili mong paraan. Hindi naman kasi pakikisama yun, kundi pangiimpluwensya (Kagaguhan kung sasabihing may tamang pang-iimpluwensya).

Ang bagay na ipinaglalaban mo ay parte ng iyong pagkatao kung saan hindi ka mapalagay, hindi kumportable dahil ayaw mo ang pamaraan nila. Parang ang konsepto ng mga kalalakihan na “Sorry, lalaki lang, naakit din.” OK pa sana kung magsoSORRY ka dahil may nagawa kang pagkakamali, pero yung pagbibigay siin sa pagiging TAO?! Hayop ka, huwag mo kaming idamay! Yan kasi ang mga bagay na nagpapahina ng iyong pagkikibaka para tuklasin ang sarili. 

Hindi ka manhid para hindi malaman ang ipinagsisigwan ng mga nagbubulagbulagan sa makabagong sistema, yung sumisura sa ating pagigigng isang tao. May mga bagay na hindi sakop ng ating kakayanan kaya tayo naiinggit. Tulad na lamang ng mga nakikita natin sa sarili, na nakukuha pang ikumpara sa mga bagay meron ang iba. Yan ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang maagang bumabagsak, na nagreresulta ng takot na muli magsimula. Ilan lang ito sa mga bagay na nagiging rason para mabago natin ang ating sarili sa kasalikuyan, at ito ang ilang kagaguhan na dahilan kung bakit ka nagrereklamo.
Bwahaha…
Ipako ka sa Krus!


Martes, Marso 20, 2012

Maraming paraan

Marami tayong paraan para pumatay ng apoy. Kasi matalino tayo, yun nga lang minsan talaga ay kinukulang tayo ng bait sa sarili...
Parang yung nakita ko lang sa pasamano ng SM (Hindi ko na lang sasabihin kung saang lugar), ang sabi, "In case of fire, do not use the elevator." At kailan pa naging pampatay ng apoy ang elevator?
Bwahaha...
IpakosaKrus!

 P.S
Teka, anu nga ba ibig-sabihin nh PS? Palagi ko na lang kasing ginagamit ito...

LongKOWTS

"Lahat ng bagay pwedeng makasanayan. Kapag nasanay ka sa isang bagay na laging nandyan, masasanay ka rin kapag nawala na yan." ~IpakosaKrus!
Bwahaha...

7 katotohanan ng Mundo

1.) Hindi mo kayang sabunin ang mata mo.
2.) Hindi mo kayang bilangin ang buhok mo.
3.) Hindi mo kayang huminga sa ilong nang nakalabas ang dila mo...





































































4.) Ginawa mo yung ikatlo.
5.) Nung ginawa mo, naisip mong mukha kang aso.
6.) Alam kong ngumiti ka ngayon kasi nagpa-uto ka.
7.) Ipapaalam mo ito sa iba dahil natuwa ka at gusto mong makaganti.
~Ipako sa Krus!
Bwahaha...

LongKOWTS

"Bawasan ang KALANDIAN kung di naman sagad sa KAGANDAHAN. Madaling sabihing maganda ka, mahirap naman hanapin kung saan Banda." ~Ipakosakrus!
Bwahaha...

Linggo, Marso 4, 2012

Hinog sa Pilit


           May mga bagay talaga na kahit ayaw mo pa gawin kailangan mo nang gawin. Ayaw mo pang mangyari kailangan nang mangyari. Ayaw mo pang puntahan pero kailangan mo nang maglakbay, isa yan sa mga pagmamadali ng buhay. Mula sa pagpasa ng requirements sa eskwelahan, sa paggising mo sa umaga para pumasok sa trabaho, hanggang sa pagreply mo sa mga text ng mga taong mahal mo.
            Kailangang sumabay ka sa laro ng oras. Kung unti-unti nalalanta ang dahon ng oras sa tangkay ng panahon, ganun din naman ang bilis ng pagkaripas mo para masalo ang bawat nagsisihulugang mahahalagang segundo ng buhay natin, mabilis pero limitado ang oras. Sa akin, gusto ko pang magenjoy, gusto ko na maramdaman ang kabataan ko, pero hindi na pwede. Hindi na ako pwede bumalik sa kung ano ang napaglipasan ko, hindi na pwedeng iayon ang estado ko sa lipunan na kung ano ba dapat ang nararapat sa akin. May mga pagkakataon na gusto mo sumama sa halakhakan ng mga magkakabarkada, maglaro at magtampisaw, makipaghabulan habang may ulan, at kumain ng ice cream sa kanto at magdungisan.
            Mga pagkakataon na ayaw mo ipangloob ang damit mo at ibuka ang butones at alisin ang necktie sa leeg para makahinga sa nakakapagod na trabaho ng buhay. Magtaas at maggulo ng buhok, maghikaw na para magpacute, magrubber shoes para maiwasan ang init ng leather shoes, magpapogi sa mga taong nagugustuhan mo, sabihin na hinahangaan mo sila. Marami pa. Ayaw ko na lang isipin pa. Mas lalo lang kakainin ng pangungulila ang aking isipang minadaling hinulma ng panahon. Hindi ko naman sinisisi ang oras. Pinili ko to e. Ito ang nararapat kong gawin. Masaya naman ako kahit papaano, nakakatulong ka sa mga mahal mo sa buhay, sa mga nangangailangan at kakailanganin pa. Masasabing sakripisyo ito para sa mga taong mahal mo, siguro ito nga talaga ang reyalidad ng buhay, hindi puro saya at ayon sa ating mga kagustuhan, hindi para sa atin kundi para sa mga taong pumapaligid sa atin. Mmahirap?!!! Pero mararanasan mo rin to. Hindi man ngayon, bukas o pagkatapos ng mga ilang araw, taon, dekada, kasi alam mo hindi ka nabubuhay para sa sarili mo. Kahit hindi pa tama sa panahon. Kahit hinog ka sa pilit.

Ipako ka sa Krus!
Bwahaha...

P.S
Medyo matagal (pero matagal naman talaga) simula nung huli kong post dito. Naging busy (kahit hindi naman) at maraming proyektong pangiskul (totoo Pramis!). Hindi sa tinatamad ako, aktwali ginaganahan pa nga ako dahil sa aking panibagong inspirasyon ngayon. Sa mga susunod na buwan (bakasyon) pupunuuin ko ito ng buong taon kong eksperyens. Minsan magulo, minsan nakakaboring, minsan masaya, minsan malungkot. Buwan na din kasi ng pagtatapos, kung saan maraming nagsisipagtapos. Ipako ka sa krus!