Tsapter

Linggo, Nobyembre 2, 2014

Aba! Aba! Nagbalik ka na!


Hindi naman siguro masama kung magbabalik diba?

Aba't matagal na rin (mga kalahating taon) bago ako magbalik...
Pero bakit nga ba ako nawala?
At bakit ako nagbabalik?
Ano na?



Well, mahabang istorya. At kung ikukukwento ko, ay mahabang kwento. Maraming kasing nangyari. May kaaya-aya, may hindi. May exciting, may nakakapanlumo. Pero mas marami ang hindi magandang pangyayari. Hindi ko ba alam! Umiiwas na nga ako sa kalokohan, pero wala talagang magagawa. Iba talaga kapag gwapo, habulin ng problema. Pero eto pa rin ako, positibo sa lahat ng bagay, masayahin, pogi at gago!

Bwahaha...
Katatawa ko lang ng ilang segundo pero nakakamiss kaagad tumawa e.

Ilang araw na lang at nalalabi, PASKO na! Pero bakit hindi ko ramdam. May nagbabago na nga ba sa takbo ng reyalidad?