Tsapter

Lunes, Enero 20, 2014

Isang GATANG ng PAPURI

One message received:

Another COMMENDATION for ME this day!
Hehehe...
January 20, 2014

May papuri na naman ako dahil mahusay kong pag-intindi sa aking gawain. Pero bakit ganun? MALUNGKOT pa rin ako? Siguro marami lang akong problemang pinagdadaanan, isa na ang PERA. Dito na kasi umiikot ang buhay ko ngayon, trabaho para magkapera, mag-aral para makakuha ng magandang trabaho. Lahat pera! Ibang iba sa mga paniniwal ko noon. Dati hindi ko iniisip ang pera bilang elemento ng problema. Pero ngayon bilang isang working-student natutunan ko ang halaga ng pera, ito ay WALANG HALAGA!

Malungkot ako, OO! Hindi dahil nakukuha ko ang mga papuri mula sa top management ng pinagtratrabahuan ko. Pero kasi... parang KULANG? Hindi ko kasi ito pangkaraniwang natatanggap sa iba lalo na sa aking Pamilya. Iniisip ko kasi ako ang Black Sheep sa Pamilya, dahil puro na lang problema ang idinudulot ko sa kanila. Parang wala na akong nagawang tama kung baga. Pero iniisip ko lang naman yun, kilala ko naman siguro ang sarili ko kung paano ako mag-isip. Katulad ng mga panahon na ito, problema na naman ako. Minsan parang ayoko na mag-aral at magfocus na lang sa pagtratrabaho, pero MALI e. 

"Tulungan mo naman ang sarili mo!"

Alam ko naman, kailangan kong tulungan ang sarili ko, pero may mga bagay at pagkakataon lang talaga na hindi na sakop ng aking kakayanan kaya ako huminihingi ng tulong. Hindi ako UMAASA LANG. Gumagawa din naman ako ng paraan, maraming paraan para matulungan ang sarili ko. SANA iyon ang mapuri sa akin. Hindi ko kailangan ng PERA, walang halaga iyon. Ang kailangan ko, pangunawa, pagdamay sa paghihirap, motibasyon, matibay na sandalan, PAGMAMAHAL. Ito ang mga mahahalagang bagay sa akin. Higit sa PERA. 

Pangangailangan ang pera, pero hindi ito ang problema. Marami akong nakikilalang tao dahil sa matinding pangangailangan at problema. Tumutulong lang ako. Ako pa minsan ang gumagawa ng paraan, kasi alam ko ang pakiramdam ng may problema at may pangangailangan. Hindi lang kasi ang sarili ko ang iniisip ko, kahit mahirap ako at hindi lumaki sa isang marangyang pamilya, natutunan ko ang ugaling makatao. Luma at kakaragkarag na 1100 ang cellphone ko ngayon, simple lang ang pangaraw-araw kong pamumuhay. Hindi sobrang pangakain lang. Alam ko ang hindi para sa akin. 

Kaya naman, kahit isang milyon pagpapapuri pa ang matanggap ko, hindi lalaki ang ulo ko. PRAMIS yan! (Minsan magyayabang ako, pero hanggang dun lang yun. YABANG lang at hindi pagmamalaki o pagmamataas na ikakasira ng pagkatao ng iba.)

Tadah!
First entry ko this year!
Bwahaha...
Salamat sa netbook ng kaboardmate ko at nakapagupdate din!