Tsapter

Martes, Agosto 21, 2012

Sa malupit na Pag-aanunsyo

Minsan, para kumita kailangan natin gumawa ng paraan. Tipong I read, I buy, I use, I spread. Dito na kasi bumabase ang mapusok na pangangailangan ng tao, lalo na sa pagaadvertise ng mga lokal na gamit at produktong pinoy. Kahit na minsan Uber na, ay ayos lang. Sabi ko nga para mas madaling maintindihan nila gawing mong mas kaaya-aya. Tulad ng mga ito:
Sa Hapag ng kainan...

 Sa barberong barbero...



Sa mga anunsyong ang SARAP manapak...


Sa mga prduktong Pinoy na
Nakakatawa pero nakakaPROUD,
Nakakaawa pero nakakaTOUCH.
Sa ngalan ng PERA...

Na pati ang mga dapat na matino...
Para lang makatipid sa ngalan ng BUHAY,
Maging masinop, mapag-alaga sa kalikasan,
matalino sa kalagayan at higit sa lahat,
WALANG TAONG NADADAANAN...

MATALINONG PINOY!
Yan ang masasabi ko, kahit na humaharap tayo sa tindi ng suliranin dala din ng ating kagagawan. Nagiging masaya tayo sa simpleng paraan, para pawiin ang kalungkutan na napupunan ng gintong kayamanan para sa bayan!
Maligayang Anibersaryo sa aking Christus Vincit Community, at maligayang pagdiriwang sa araw ng ating bayaning Si Ninoy Aquino...
IpakosaKrus!

LongKOWTS

"Hindi mo kailangan ng magandang mukha para mahalin. Dahil kung sadyang karapatdapat kang ibigin, ang UGALI mo ang siya mong magiging SALAMIN."
~IpakosaKrus!

Lunes, Hulyo 23, 2012

SONA? So ano na?


Sino ang PERPEKTONG PANGULO??

Yung hindi pagwewelgahan, hindi susunugin ang mukha, at hindi babalahurain ng mga reklamador ng bansa...
Meron nga ba?

Yung tutugon hindi lang sa kahirapan ngunit sa mga bagay na mapangatwiran, yung hindi gagaguhin ang imahe mo bilang tao...
Meron nga ba?

Yung Magsasalita ng katotohanan ngunit hindi papaniwalaan, tapos magrarally at makikipagbuno sa mga Loyalista ng batas...
Meron nga ba?

Yung lalapastangan sa pinaghirapan mong RESPETO, at dudumi sa iyong maliit na kaligayahan...
Meron nga ba?


Yung bawat salita ay kasinungalingan, na pati ugat ng pamilya damay sa kahihiyan…
Meron nga ba?


Sino ba ang may KAKULANGAN? Ang Presidente na TAO o yung mga TAONG nakikipaglaban (aminin man o hindi) sa sariling KAPAKANAN, na nagkakalat lang sa lansangan...
Meron nga siguro...
Pero ang tanong, SINO????

Bwahaha...
IpakosaKrus!

Miyerkules, Hunyo 27, 2012

Nung una akong mag-apply

Syempre yung una kinakabahan, hindi mapakali, todo effort sa pagsasaulo ng mga sasabihin. Pinipilit ko kasing magpaimpress sa interviewee ko, yung tipong mapapaWOW sya. Ang kaso hindi ito ang mga inakala kong mangyayari, kakaiba sa iniispip, As in! As usual yung kaba sa pagsasalita, lalamunin lahat ng sinaulo mo, masyado ka pang macoconcious sa magiging reaction nila sa sasabihin mo. Ang gulo ng isipan mo, dahil nga kinakabahan ka na kahit bihasa ka na sa pag-aaply (dahil sa halos kakilala mo na ang receptionaist pagkabalik-balik), kinakabahan ka pa kasi kakaiba yung mukha nung magtatanong. May mga mukhang kamias, meron ding mga mukhang pasas.
            Heto na, si Midan na ang tinatawag nung mukhang kulambong babae. Kinakabahan na talaga ako kasi kung hindi naman masakit na tanung, nakakabobo naman minsan. Iniisip ko kasi na hindi ito tulad ng mga recitation sa School dahil Trabaho ito, hindi grades. Unang binulalas nung pangit na babae, “Tell something about yourself.” Si Midan ngumiti dahil parte iyon ng sinaulo, lumunok ng kaunting laway tasaka nagsimulang tumalak. Puro yabang, puro galing, puro sariling kahunghangan, mga pinagwagian sa pagsulat at pinilit pang isiningit ang kakarampot na kaalam sa oratorical. Natapos na ang pagsasalita ngunit yung babae, parang hindi pa kuntento. Nagdugtong ng isa, “How could this Call Center help you?” kasabay ng nakakinsultong ngisi.
            Dahil hindi alam kung anung sasabihin, lumunok muli ng laway tsaka humigop ng hangin sa malamig na silid. “Well Maam,” ang introduction ng mga nagyayabang. “This would help me a lot. Bi-kas… it wil help my communication skills. Also, my intrapersonal being will much be developed. And Lastly, I hab bin more than 5 years into professional writing Sow, it must be easy to me.” Malanding sagot with accent kuno kahit ang layo na ng sagot. Yung matabang pangit sige pa rin ang titig sa akin, nahalata yatang ginagago ko sya.
            “Well then Mr. Midan, this would be my last question. How it takes to be an educated?” Putek! Mukhang personalan na ito a, kung may hawak lang siguro akong sinturon ay nilambitin ko na sya sa puno ng duhat. Tutal bagay sila dahil pareho silang Pangit! “Being educated doesn’t mean you know everything, though people always think of that. But surely ma’am the real educated has full of respect to everyone.” Ngumiti yung babae, napangitan siguro sa sinabi ko. Pasalamat sya’t malayo-layo sya kung hindi ay bubunutin ko ang ngipin nya.  Tumayo siya’t tinawag pa yung isa kong kasabayan, tinanong ng akung anu-ano, hindi tungkol sa kanya o sa estado ng buhay nya kundi tungkol sa pag-ibig ng Jowa nya. Kakabiba lang siguro ang tanong sa akin. Dahil mukhang edukado at mayabang na masyado. Hindi na ako nagtaka, sinabi kasi nilang experienced na sila sa trabaho. At sa mga sinabi ko kanina, kumunot ang noo ko, at biglang nakaramdam ng hiya. Hiyang-hiya ako, wala pala sa kwalipikasyon nila ang mga binanggit ko. Nakita lang nila siguro kung paano ako nagyabang, nagmalaki, nagmataas.
Feeling ko, napakawalang hiya ko, kaya natapos ang interview na tulala. As in! Literal na tulala! Pagkatapos interbyuhin yung kasama ko, tumayo yung matabang babae. Nakita ko yung puting laway sa pagitan ng kaniyang labi, at yung laway na naipon sa tagiliran ng bibig, habang binibigkas ang panghatol na litanya. “Ok guys, we’ll just review your application. Stay there and in a moment we’ll tell you if you’ve passed.” Put Tang in A Glass! Totoo na talaga ito! Kabadtrip lang dahil Aircon pa man din ang yung kwarto pero yung baho ng hininga nya nangangalingasaw. Nagbibitter lang? Oo, alam ko na kasi yung palulugaran ko. Lalabas ng silid na malungkot at dismayado. Nagassume kasi ako.
            Blog! Bumukas ang pinto. Tok! Tok! Tok! Narinig ko na ang takong ni kamatayan este nung baboy na babae. Huminto sa harapan naming. “Ok, only two of you had passed. Ms Pokno and Ms Zuman, Please stay for the final interview. Mr Baluyut and Mr Dyengge, you can try again after two months. That’s all Thenk Yeh!”
            Hayop ka! Sabi ko na nga ba e! Talagang LOW Quality itong kumpanya nyo. Buti na lang hindi ako natanggap! Bwahaha… Alam ko marami pang mas deserving sa galing ko. Hindi sa nagyayabang ako. Aktwali nagpapasalamat pa nga ako dahil ngayon may mas kumilala sa talento ko, at ngayon nabubuhay akong hindi nageexpect. Marahil naging masama ako, pero bilang tao, at indibidwal na Gago, ayos lang. Dahil hindi mo maipapakitang tunay kang tao kung hindi ka nagloloko.
Sa susunod, may alam na ako kung paano. Salamat sa Experienced na ito at nalaman ko ang tunay na mundo ng pag-aaply ng Trabaho.
Bwahaha…
IpakosaKrus!

Linggo, Hunyo 3, 2012

Pers time sa eskewlahan...

Unang klase, pagpapakilala...
Hindi mo maalis na bago ang karamihan. Bagong bag, kasuotan (ang iba pinaglumaan), lapis, papel, sapatos, gupit, at higit sa lahat bagong tabas ng mukha. Pasosyalang papasok sa skul, pagandahan/pagwapuhan epek. At dapat may impressiong maiwan sa nakakakita...

Syempre kasama na dun ang pa impressan sa prof. Tahimik ng buong kwarto. Pakiramdaman.
"Get a piece of paper" unang written exam.
Sabay ang pagyuko ng bawat isa upang humanap ng nasabing kunin. Narinig ang bahagyang pagpunit ng papel sa pagkakadikit pa sa isa. Halungkat halungkat. Walang nakitang papel. Tingin sa paligid. Bahagyang may lumabas na ingay, "penge naman please" at ang mahina ay naging malakas.
'Write your name, course, bday, contanct, etc.'
may mga bumulong, 'anu daw ang lalagay?'
"pass your paper to the center"
ang isa pinasa sa harapan, gumaya ang nasaharapan, gumaya na lahat ng nakakita.
'to the center nga eh' sabi ng nakaintindi.
Tumawag ang guro sa papel na ibinalasa.
'Ipakilala ang sarili' natapos ang oras pagpapakilala ang lang ang nangyari. Lumabas na ang lahat, kasama ang taong hiningian ng papel (close na agad sila), para puntahan ang susunod na silid...


Bwahaha...
IpakosaKrus!

Biyernes, Mayo 25, 2012

10 rason kung bakit ka SINGLE...

1.) Destiny Addict - Umaasa sa Tadhana.

2.) Perfectionist - Sobrang CHOOSY!


3.) BZ BChan - mga taong Workaholic.


4.) Friendship Theory - Kung friends, Firends lang talaga.


5.) X to the 9th Power - mga taong hindi makaget-Over sa past relationship.

6.) Family Feud - Takot sa Parents.

7.) 4Ever Basted - Walang nagkamali.

8.) Heart Attack - mga ayaw masaktan.

9.) Silent Hacker - minamahal ang taken na.

10.) Waiter - antay ng antay, wala namang hinihintay.

Bwahaha...
Ipako sa Krus!
(Note: Bawal magbasa ang mga DOUBLE na.)

Lunes, Mayo 21, 2012

Magkano ba ang isang NGITI?


Kamakailan ay inilunsad ang kabi-kabilang Organisasyon at proyektong bayan na nagnanais tumulong sa mga nangangailangan. Weird kung iisipin kung paano, at bakit nila ito sinimulan, pero ito ang masasabi ko: SALAMAT sa malaking ambag para sa bayan. Kaya naman gumawa na ako ng entry ko sa blog ko (malamang, blog ko ito) upang ipaalam sa mundo ang pagiging endorser ko. Tibay e nu, pero truly dapat talaga matagal ko na itong ginawa.

Una sa king listahan ay yung “BANGKARUNUNGAN,” ni Sir Adrian Cobardo mula pa ng Olongapo City:
   Galing sa pinagsamang salitang "Bangka," at "Karunungan," na naglalayong bigyan ng hindi makakalimutang kaalaman gamit ang bangka na lumulibot sa mga baybayin. Ang Grupo ay nagbibigay ng mga School Supply at mga lumang libro galing sin sa mga donasyon din ng iba't ibang organisasyon at mabubuting tao. Sila din ay nababasa ng Story Books sa mga maliliit at makukulit na kabataan. Isang napakagandang alituntunin, Tumpak! para sa kabataan, para sa Bayan na ang pagkatutuo ay nasa pagbasa. Take Note: Naipakita na ito sa ABS-CBN partikular na sa programang "Bayan mo Ipatrol mo," at "Ako ang Simula." 

    At ito na rin ang naging Break Through nila para maipalagananap ang magandang Proyekto sa Bansa. Sa kasalukuyan ay naghahanap pa kami ng mga nais Mag-Isponsor o magdonate o tumulong sa pagpapatuloy ng kanilang sagwan. Sa mga nais tumulong ito si Sir sa FB: https://www.facebook.com/profile.php?id=100000311046335 o immesage nyo ako o magkoment na lang, sana makatulong tayong lahat. Panuorin din ang Video nila sa TV (sosyal na e) eto o: https://www.facebook.com/photo.php?v=296348087106447


Next on the line is the "Operation Smile - Philippines." (English Effect lang?)
Natuwa ako dito dahil UmiINTERNATIONAL na talaga ang kanilang proyekto (katulad ng hinihilinh ko sa una). Dahil dito hatid nila ay matatamis na ngiti mula sa mga pinagkaitan nito. Kung gusto mo sila makilala, panuorin mo ito:

 Ito yung International nilang Advertisment

Ito naman yung Philippine Version ng Ad nila (o sige, Natin)

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod to (sana ikaw din) kasi damang-dama kong (As in!) yung hirap nila sa katiting na ngiti. Oo, hindi kumpleto pero nanduon yung saya. Ganyan naman ang kalakaran ng mundo, huwag ipakita, iparamdam... Sa mga nais pang malam nag tung dito, maari mo icomment yung e-mail po sa akin para maisend ko yung Full information tungkol sa kanila. Maari ka ding tumulong, GMG!
“In essence, we change the family. 
We give a new life to the brothers and sisters, the mother and the father. 
We also, by doing that, give a new life to the village. 
By doing that, we give a new life to the country.  
By doing that, we give a new life to the world.”
- Dr. WILLIAM P. MAGEE, Jr.
Co-Founder and Executive Chairman
                                                                                  OPERATION SMILE INTERNATIONAL


Sa ngayon, sa mga Proyekto pa lang ako INVOVLE. Yup! Isa ako sa mga sumusuporta at kung maari tumulong (sa sarili kong paraan). Sana kayo din...

"Nais nilang ngumiti, kung pwede palagi. Pero bakit ikaw nakasimangot?" Sa kasalukuyan, pandemic na ang pagiging KILL JOY. Yung tipong ang saya-saya nila ikaw nakatalungko, SMILE tsong! ang daming gusto makakita ng iyong ngiti kahit na sa mga nagyeyelong ngipin sa loob ng iyong labi. Ngayon, kung magkano ang isang ngiti, depende sa pagkakahuluhan mo sa iyonh SARILI...

Bwahaha...
Ipakosakrus!

PS

Salamat nga pala sa grupong "Pinoy Blogger" sa Facebook, dahil sa kanila nalaman ko ang tunay na pagiging Blogger. Nakaalam din ako ng iba't ibang involvement na kabi-kabila nilang pagshashare. Salamat talaga sa inyo! Minsan Busy ako, kaya hindi makapagpost palagi, tulad ngayon, nagrent lang ako pero nakagawa ako ng Entry. Sosyal talaga! Bwahaha...
Sa ngayon gusto maging palaging nagpopost, dito lang kasi ako nakakapaglabas ng kuro-kuro, so next ABANGAN na lang! Kala mo maraming reafer e nu...