(Sanaysay / Hiligaynon)
Salin
ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula sa
“Miliminas
: Tuig 0069” ni Nilo Par. Pamonag
Miliminas,
ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko
bago pa nagkaroon ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng mga pulo ay
binubuo ng higit sa pitong libo at dalawang daang mga pulo.
Ang
Miliminas, ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing kapuluan, ay katulad rin
natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay tulad rin sa atin.
Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali sila at
pagsasalita na kabila rin sa atin.
Mik
ang tawag sa kanilang pera. At ang tawag nila sa isang taong mayroong isang
milyon na mik, o sobra pa, ay mikinaryo. Sa pagbibihis, malaki ang pagkakaiba
natin sa kanila. Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang
katumbas sa atin ngayon ng bathing suitat kamiseta at korto para naman sa mga
lalaki.
Para
mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang
ipinapatupad na hulihin ang sinumang magdaramit ng mahaba pa sa mini-skirt at
micro-mini-skirt.
Ang
upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang
timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito
ang tinatawag ng kanilang Public Diservice Commission na equality before the
kilo.
Tungkol
naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal
magpatakbo. Ang kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not
overspeeding.
Mayroon
din silang serbisyo sa tubig na tinatawag nanawasdak. Ang ahensyang ito ay may
tatlong uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng malinis na tubig; ang ikalawa ay
nilalabasan ng maruming tubig; at ang ikatlo, walang tubig kundi hangin lamang.
Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng quatwasdak *, ang gripo na may malinis na
tubig ay mahal ang bayad, para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para
sa lahat ng marunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at
ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad.
Mayroon
ding nagmomonopolyo ng koryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo rin ang
ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito anglight service, brown out service at
black out service. Ang light service ay magbibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang
brown out service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala
kung kailangan mo ng ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung
gusto mo lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong black out
service.
Ang
mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga
ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang
mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng mga
kuwartu-kuwarto na kung sa atin ngayon ng mga bazaar sa mga bazaar. At sabihin
pa, ang mga may-ari ng mgabazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang
pagtitinda sa mga sidewalk.
Ang
mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng
sala o akusasyon sa kanilang mga resolution,genuine na mga batas, at iba pa.
Upang
mapagkatiwalaan ang mga mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission
para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na
genuine, tulad nggenuine na resolutions, genuine na pera, genuine na batas, at
iba pa.
Ang
pinakamalaking tindahan ay tinatawag na super blackmarket. May pintura itong itim.
Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng blusil na
sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang
mga genuine na bagay ay ipinagbibili nang patago at tigkakaunti lamang dahil
lagging hinuhuli ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at
kinukumpiska pa ang kanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang
batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian.
Ang
mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari ng
lisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salangillegal possession of
genuine firearm.
Sa
panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating
tinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga
mataas na opisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o
milk na tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay
tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging
isang batayan sa pagpili ng isang outstanding buwaya of the year.
Dalawang
klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang batasan na tinatawag na Circus of
Miliminas. Ang isang batas ay para sa mga mayaman at ang isa ay para sa
mahirap.
Ang
mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang kanilang
maaaring gastusing representasyon.
Ang
mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito nilang
mga santo – ang mik (ang pera mismo), angbuwaya, at si Santasa, isang taong may
sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalaking
kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi
pag-angkin sa yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay ng ano
mang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa.
Ang
mga malaking transaksyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ng puno,
at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim
ng mga mesa ng mga opisyal na pamahalaan. Dahil dito ang mga mesa ay matataas
para hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito.
Ang
mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues depaupas. Parang
nakakatawa, ano? Pero iyan ang katotohanan. At isa pang nakakataka, ang
ginuguwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang pamamalakad ng
hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung
sinu-sino sa mga mamamayan ang palaaway at eskandaloso at sino ang mababait.
Pagkatapos ng bista at bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala
upang ihiwalay sa maraming mga nakalalayang masasamang tao. Sabihin pa,
malalaki ang bilangguan dito at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang
lahat ng bilanggo ay tinatawag na VIP (Very Important Prisoner).
Kung
tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa ng
kampanya magkakaharap ng entablado ng magkakakalaban sa pulitika. Nagbabatuhan
ng putik. Sa atin ngayon angmudslinging ay pasaring lamang sa mga talumpati
samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapat
magsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi
matutupad, dahil kung hindi niya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyang
kandidatura ng Komisyon ng Kalokohan, ang ahensya na namamahala sa eleksyon. Sa
araw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay
hindi na nila pinag-iisipan. Ang iniisip nila ay ang naipon na bala ng mga
kandidato, at mga napatay ng kanilang mga kampon, at may pinakamaraming pera.
Ang kanilang ibinoto ay tinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa
balota.
Ang
mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay at pumatay
sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang
magdadala sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang
maligaya kasama siSantasa, ang kanilang paboritong santo.
Ang
eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na madaling
maubos ang mga mamamayan rito kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon.
Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw (ito ang tawag
nila sa kanilang mga henyo) na nakabuo ng isang tableta na kung iinumin ng
mag-asawa ay magkakaanak ang babae ng tinatawag na instant baby, na ipinagbubuntis
sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras.
Napakadali
ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa Miliminas. Patuloy din ang pag-iral ng
mga bayang kontento na sa klase ng pamamalakad dito na sa ngayong panahon ay
masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki pa ng mga mataas ang
katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamamayan. Ang
bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang magigitng na
tumanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraang administrasyon.
At sino ang kanilang pinatutungkulan? Ang pinatutungkulan nila ng mga papuri ay
ang mga ismagler, mga namomorsiyento, mga kickback artist, mga mayaman na
nang-aapi sa mga mahirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng
katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak
(piskal) na hindi tumitingin sa kislap ng espada ng katarungan, at timbangan ng
katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at
maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng
bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko
ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman.
Ang
ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon ay masasabi nating gumagawa ng mabuti
ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan.
Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe, ay
kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho.
May
ilang kabataan na malawak ang pag-iisip na tumawag ng isang pulong kung saan
ipinaliwanag nila ang kaibhan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang
kanilang prinsipyo ay humihingi ng isang klase ng pag-uugnayan ng mga
namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga
pinuno. Ngunit nang lumaon ay dumami na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod
pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng grupong
ito ng mga kabataan na tinawag nilang dungis ng lipunan.
Ang
simpatiya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawal sa
kalayaan ng mga ito, at nang lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila ang naging
dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng mga may katungkulan. Sumiklab ang
isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapauluan ng Miliminas.
Bilang
parusa sa kanila ng kanilang diyos na si Santasa, dumating ang isang malaking
baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking
bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng
paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan.
Hay...
Ang
sarap talaga balik-balikan ang mga paborito kong likhang literatura. Tunay
ngang SALAMIN ng ating lipunan at makabuluhang anyo ng ating kamangmangan.
SALAMAT dito Sir!
Ipako
ka sa Krus!