Syempre
yung una kinakabahan, hindi mapakali, todo effort sa pagsasaulo ng mga
sasabihin. Pinipilit ko kasing magpaimpress sa interviewee ko, yung tipong
mapapaWOW sya. Ang kaso hindi ito ang mga inakala kong mangyayari, kakaiba sa
iniispip, As in! As usual yung kaba sa pagsasalita, lalamunin lahat ng sinaulo
mo, masyado ka pang macoconcious sa magiging reaction nila sa sasabihin mo. Ang
gulo ng isipan mo, dahil nga kinakabahan ka na kahit bihasa ka na sa pag-aaply
(dahil sa halos kakilala mo na ang receptionaist pagkabalik-balik), kinakabahan
ka pa kasi kakaiba yung mukha nung magtatanong. May mga mukhang kamias, meron
ding mga mukhang pasas.
Heto na, si Midan na ang tinatawag
nung mukhang kulambong babae. Kinakabahan na talaga ako kasi kung hindi naman masakit
na tanung, nakakabobo naman minsan. Iniisip ko kasi na hindi ito tulad ng mga
recitation sa School dahil Trabaho ito, hindi grades. Unang binulalas nung
pangit na babae, “Tell something about yourself.” Si Midan ngumiti dahil parte
iyon ng sinaulo, lumunok ng kaunting laway tasaka nagsimulang tumalak. Puro
yabang, puro galing, puro sariling kahunghangan, mga pinagwagian sa pagsulat at
pinilit pang isiningit ang kakarampot na kaalam sa oratorical. Natapos na ang
pagsasalita ngunit yung babae, parang hindi pa kuntento. Nagdugtong ng isa,
“How could this Call Center help you?” kasabay ng nakakinsultong ngisi.
Dahil hindi alam kung anung
sasabihin, lumunok muli ng laway tsaka humigop ng hangin sa malamig na silid.
“Well Maam,” ang introduction ng mga nagyayabang. “This would help me a lot.
Bi-kas… it wil help my communication skills. Also, my intrapersonal being will
much be developed. And Lastly, I hab bin more than 5 years into professional
writing Sow, it must be easy to me.” Malanding sagot with accent kuno kahit ang
layo na ng sagot. Yung matabang pangit sige pa rin ang titig sa akin, nahalata
yatang ginagago ko sya.
“Well then Mr. Midan, this would be
my last question. How it takes to be an educated?” Putek! Mukhang personalan na
ito a, kung may hawak lang siguro akong sinturon ay nilambitin ko na sya sa
puno ng duhat. Tutal bagay sila dahil pareho silang Pangit! “Being educated
doesn’t mean you know everything, though people always think of that. But
surely ma’am the real educated has full of respect to everyone.” Ngumiti yung
babae, napangitan siguro sa sinabi ko. Pasalamat sya’t malayo-layo sya kung
hindi ay bubunutin ko ang ngipin nya.
Tumayo siya’t tinawag pa yung isa kong kasabayan, tinanong ng akung
anu-ano, hindi tungkol sa kanya o sa estado ng buhay nya kundi tungkol sa
pag-ibig ng Jowa nya. Kakabiba lang siguro ang tanong sa akin. Dahil mukhang
edukado at mayabang na masyado. Hindi na ako nagtaka, sinabi kasi nilang
experienced na sila sa trabaho. At sa mga sinabi ko kanina, kumunot ang noo ko,
at biglang nakaramdam ng hiya. Hiyang-hiya ako, wala pala sa kwalipikasyon nila
ang mga binanggit ko. Nakita lang nila siguro kung paano ako nagyabang,
nagmalaki, nagmataas.
Feeling
ko, napakawalang hiya ko, kaya natapos ang interview na tulala. As in! Literal
na tulala! Pagkatapos interbyuhin yung kasama ko, tumayo yung matabang babae.
Nakita ko yung puting laway sa pagitan ng kaniyang labi, at yung laway na
naipon sa tagiliran ng bibig, habang binibigkas ang panghatol na litanya. “Ok
guys, we’ll just review your application. Stay there and in a moment we’ll tell
you if you’ve passed.” Put Tang in A Glass! Totoo na talaga ito! Kabadtrip lang
dahil Aircon pa man din ang yung kwarto pero yung baho ng hininga nya
nangangalingasaw. Nagbibitter lang? Oo, alam ko na kasi yung palulugaran ko.
Lalabas ng silid na malungkot at dismayado. Nagassume kasi ako.
Blog! Bumukas ang pinto. Tok! Tok!
Tok! Narinig ko na ang takong ni kamatayan este nung baboy na babae. Huminto sa
harapan naming. “Ok, only two of you had passed. Ms Pokno and Ms Zuman, Please
stay for the final interview. Mr Baluyut and Mr Dyengge, you can try again
after two months. That’s all Thenk Yeh!”
Hayop ka! Sabi ko na nga ba e!
Talagang LOW Quality itong kumpanya nyo. Buti na lang hindi ako natanggap!
Bwahaha… Alam ko marami pang mas deserving sa galing ko. Hindi sa nagyayabang
ako. Aktwali nagpapasalamat pa nga ako dahil ngayon may mas kumilala sa talento
ko, at ngayon nabubuhay akong hindi nageexpect. Marahil naging masama ako, pero
bilang tao, at indibidwal na Gago, ayos lang. Dahil hindi mo maipapakitang tunay
kang tao kung hindi ka nagloloko.
Sa
susunod, may alam na ako kung paano. Salamat sa Experienced na ito at nalaman
ko ang tunay na mundo ng pag-aaply ng Trabaho.
Bwahaha…
IpakosaKrus!
IpakosaKrus!