Tsapter

Huwebes, Abril 12, 2012

Uso pa ba ang Sportmanship?

Kapag natatalo ka anong nararamdaman mo?

Yung feeling mo na dinaya, inalipusta, minolestya, at pinagsamantalahan ang iyong kahinaan (in short maRASON, maDAHILAN o maTECHIE). Totoo naman kasi, masakit kapag natalo, at maituring na ISANG MALAKING HUNGHANGAN, WEAK! Ang laki din kasi ng epekto nito sa pagkatao (as in sagad to the bones) kasi lahat na ginawa mo para maipanalo ang laban. Pero may sinasabi ang iba  "Tanggapin na lang, maging isports." Kalokohan! Nga-nga ka muna! Mahirap paniwalaan ang sarili lalo na't nararamdaman ang kalaban mo. Maging totoo ka, na kapag natatalo ka iniisip mo DINAYA ka!

Ayon nga sa BATAS PILIPINO Republic (na inimbento ko ngayon-ngayon lang at ipopost ko din sa oras na matapos ko na) ay ito ang nakasaad:
     BATAS Pilipino Republic Article I: Damdamin at PagkamakaPILIpino; Section 1

Section 1: Walang sino man sa Pilipino ang natatalo, may mga dinadaya kaya lahat panalo at dapat manalo. Sa ugaling gago may kani-kaniyang rasong dapat ibinubulalas upang mapatunayan/maipakita na dinaya. Karapatan ng bawat Pilipino na magsalita dahil karapatan din ng lahat na magreklamo.

Tulad na lamang ng mga kabataan na palaging laman ng computer shop, yung mga mahilig magDOTA o sige pati magCOUNTER. Grabi kasi sila minsan makareact, as in! Sigawan kung sigawan. Merong mga reklamador na keso sira ang ano, mahirap yun ano, naghahang(naglalag) yung ano, at kung anu-ano pa. Meron din yung hindi makuntento sa cubicle na ibinigay sa kanya, isinisisi pa yung masikip na lugar. Minsan nakakabwisit, minsan nakakatuwa. Para lang hindi maipakita sa kalaban yung tinatagong kahinaan. Tipikal yan, maraming ganyan kasi sila-sila nag-gagaguhan dahil ayaw pang ipaalam ang pagkalambot ng isa’t-isa. 

Kung susumahin, ang mga kalalakihan ang kadalasang may pag-uugaling ganto (syempre’t tayo ang palaging naglalaro at laman ng shop), natatakot sa mga bagay kung saan sila kikilalaning mahina. Mapride kasi yung iba (mahirap sabihing lahat), yun yung tipong patol dito patol doon, dahil kung hindi naman mababansagang BAKLA! Pero ito lang ang masasabi, BAKLA ka kung ayaw mong tanggapin na may pagkakamali at kahinaan ka. Mas bakla ka pa sa kabayong si Vice Ganda.

Napapansin ko din kasi kung minsan kapag natalo, bumagsak, mababa ang iskor sa eksam, sa kahit anong bagay, may dahilan ang lahat. Kasi hindi pa nila matanggap, mahirap nga naman kasi  lalo na’t nasa gitna ka ng iyong mga friendship at mga tropa. Nakakahiya! Pero ayon sa pagkakaalam ko ang tunay na kaibigan tanggap ang lhat sa iyo kahit na baho ng hininga mo. Ikaw lang talaga ang nahihiya, o nababakla. 

Kaya kapag natalo, huwag nang magpahumble effect, alam ko na sa kaibuturan ng iyong puso nagwawala ka, nanlulumo sa premyo, nanghihinayang sa karangalan. Kasi nga ganiyan tayo pinalaki sa mundo, walang salitang Ispotmanship sa ating Bokabularyo. Tanggapin na natin na minsan, asar-talo tayong mga Pilipino. 


Bwahaha…
IpakosaKrus!

P.S

Ang sarap ng pagdiriwang ko ng Mahal na Araw. As usual, nagpapako ulit ako sa Krus na kahit pagod sa buong linggo, ay Masaya at  Makabuluhan. Kinumpleto ko lahat ng misa at first time ito! Feeling ko tuloy wala akong kasalanan. Pinakagusto ko ay yung paghihilamos ko sa Araw ng paghuhugas ng mga paa. Hay… ang sarap sariwain.

Miyerkules, Abril 4, 2012

Kung bakit ka nagrereklamo...

Bakit ka nag-aral, nagtratrabaho, humihinga, natutulog, nagsisinungaling, at natatakot? Bakit ka nagwawala, naglulupasay, nakikipagaway, nag-iingay, nagrarally sa kasalukuyang sistema ng bansa, ng bayan, ng lipunan?

Yun ay dahil may pang-unawa ka. Pang-unawang tanging ikaw lang ang nagtataglay, yung sinasabi nilang UNIQUENESS? At ito ang nagiging lamang ng mga taong nakakahigit sa iyo. Minsan kasi kailangan nating kilalanin ang sarili gamit ang sinasabi ng iba. Dahil dito tayo lumalago, natututo at napupunan ang kamangmangan (KATANGAHAN ba) sa bagay-bagay. Kaya nga kung may dapat ka pang baguhin at ipagkahulugan yun ay ang iyong sarili. Ika nga “Take others opinion as an advice and not a crirticism,” wala nang iba pa! (Kumontra pangil sa pwet!)

Kung lahat ng reklamo mo sa buhay ay ibibintang mo na lang sa lipunan, ano na lang ang pinagkaiba mo sa mga taong nasiraan ng bait (Actually parang mas mababait pa sila kasi ibang planeta ang pinoproblema nila). Habang tumatagal kasi nakakaisip ng magandang paraan ang tao para mapagtakpan ang mali at punan ng rasong tama sa pamaraang hindi gaanong nakakasama. Magulo? Oo, kasi hindi mo iniintindi (Hala sige, basa ulit!). Doon nanganak ang salitang pakikisama. Pakikisama na sa kasalukuyan ay tila nag-iiba ang kahulugan. Eksakto! At isa lang ang mensahe ko, “Huwag kang makisama kung alam mo namang may mali, HUWAG KANG MANGMANG!” Alam ko alam mo ang tama dahil UNIQUE ka sa sarili mong paraan. Hindi naman kasi pakikisama yun, kundi pangiimpluwensya (Kagaguhan kung sasabihing may tamang pang-iimpluwensya).

Ang bagay na ipinaglalaban mo ay parte ng iyong pagkatao kung saan hindi ka mapalagay, hindi kumportable dahil ayaw mo ang pamaraan nila. Parang ang konsepto ng mga kalalakihan na “Sorry, lalaki lang, naakit din.” OK pa sana kung magsoSORRY ka dahil may nagawa kang pagkakamali, pero yung pagbibigay siin sa pagiging TAO?! Hayop ka, huwag mo kaming idamay! Yan kasi ang mga bagay na nagpapahina ng iyong pagkikibaka para tuklasin ang sarili. 

Hindi ka manhid para hindi malaman ang ipinagsisigwan ng mga nagbubulagbulagan sa makabagong sistema, yung sumisura sa ating pagigigng isang tao. May mga bagay na hindi sakop ng ating kakayanan kaya tayo naiinggit. Tulad na lamang ng mga nakikita natin sa sarili, na nakukuha pang ikumpara sa mga bagay meron ang iba. Yan ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang maagang bumabagsak, na nagreresulta ng takot na muli magsimula. Ilan lang ito sa mga bagay na nagiging rason para mabago natin ang ating sarili sa kasalikuyan, at ito ang ilang kagaguhan na dahilan kung bakit ka nagrereklamo.
Bwahaha…
Ipako ka sa Krus!